554 total views
Hinimok ni Father Eric Adoviso ang bawat Pilipino na patuloy na ipagdasal at magkaisa tungo sa nag-iisang hangarin ng pag-unlad.
Ayon sa Pari na siya ring Minister ng Manila Archdiocesan Ministry of Labor, ito ay dahil sa patuloy na pagharap ng bansa sa iba-ibang suliraning pang-ekonomiya tulad ng oil price hike na nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Siyempre magdadasal po tayo at the same time inaasahan ko po na sana makabangon tayo dahil ang hirap po, ang gastos, ang taas na po ng bilihin ng gaas at ang mga manggagawa naman po ay patuloy na naghihirap, kakapiranggot po yung kanilang suweldong tinatanggap,” pahayag ng Pari sa Radio Veritas
Sa paggunita ng Holy Trinity Sunday at ika-124 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ipinapanalangin ng Pari ang pantay at makatarungang umento sa suweldo ng mga manggagawa.
āNais po natin yung ating tagumpay na sana bumangon yung ating bayang Pilipinas sama-sama tayong magkakaisa para po magtagumpay dahil lugmok po sa kahirapan ang ating bayan, kaya po siguro tayo ay magtulungan para maiahon natin ang ating bayan,ā ayon pa sa Pari.
Ngayong linggo ay inaasahang muling tataas hanggang limang piso kada litro ang presyo ng diesel at dalawang piso kada litro sa halaga ng gasolina.
Unang naitala ng Philippine Statistics Authority ang mabilis na 5.4% inflation rate na naranasan noong nakalipas na buwan ng Mayo.