1,354 total views
Paggalang sa kapwa tao ang susi sa epektibong pagpapadaloy at pagpapahayag ng mensahe sa pamamagitan ng radio, telebisyon, social media at maging personal na pakikipag-usap.
Ito ang paalala ni Sister Consolata Manding, FSP directress ng Pauline Institute of Communication for Asia (PICA), kaugnay na rin sa mensahe ni Pope Francis sa ika-51 pagdiriwang ng World Communication na may temang ‘Fear not, for I am you: Communicating Hope and Truth in our Time.
“To be an effective communicator, dapat huwag nating kalimutan ang respect for the person to whom we communicate, be an individual, group or be a mass media audience. dapat tayong may respect. How do we show respect for people, we don’t call them bad names, we don’t make judgement statements. And we are trying to be constructive if ever we have some criticism about anything about issue, you have be respectful at all times,” paliwanag ni Sr. Manding sa panayam ng Barangay Simbayanan. Paliwanag ni Sr. Manding, ang lahat ay pantay-pantay ang dignidad maging anuman ang katayuan sa buhay.
“All of us are equal ang ating dignity sa harap ng Diyos, regardless of your age, social status, political affiliation, educational attainment we are all equal and therefore we have equal in dignity kaya ang ating manner of communication be it individual, group, face to face or using social media, we have to keep in mind ang respect,” ayon kay Sr. Manding. Hinikayat din ng madre ang bawat indibidwal na isaisip ang pagpili ng akmang salita upang hindi mapawalang bahala ang mga mensahe na nais nating ipabatid. “Ganun din sa mass media, pag nagsasalita tayo we have to select the right word ang tendency kasi natin maging judgemental kaya ang audience natin magagalit din sa atin. Effective ba ang communication? Useless. Sa usapin naman aniya ng pagpapakalat ng post message sa social message, anumang mabuti ay karapat dapat na ibahagi subalit ito ay hindi dapat na magkaroon ng kondisyon o pagbabanta.”paliwanag ng madre
Sa pag-aaral naman ng Asia Digital Marketing Association (ADMA) noong 2015, ang Pilipinas ay ikalawa sa pinakamaraming gumagamit ng internet sa buong South East Asia na may 44.2 million, at 94 percent sa mga ito ay may social media account na ginagamit para magpost at magshare ng mga impormasyon.
Ayon kay Pope Francis, lumilikha ng tulay sa pagitan ng tao at ng kanyang komunidad ang isang maayos na pakikipagdayalago kung sasamahan ito ng pag-ibig at hindi ng karahasan.