342 total views
Naniniwala ang isang obispo na isang patunay at testimonya ng Simbahang Katolika na pagiging kahalili ng Diyos sa lupa ang Santo Papa sa paggaling ng isang sanggol na nahalikan ni Pope Francis sa kanyang pagbisita sa Philadelphia USA noong September ng 2015.
Ayon kay Boac Marinduque Bishop Marcelino Maralit, ito ay isang biyaya mula sa Diyos na dumaan sa pamamagitan ng Santo Papa na nagpamalas ng pagiging isang mabuting halimbawa ng isang tagapaglingkod .
“Well I will always say na it’s the Pope or any priest if the result of the contact is healing or whatever I always say grace of God . It’s always the grace of God that is always obviously there so in the case of the pope kissing that infant noong panahon na yun and cured and by the grace of god the child was cured , I will not go as far as dahil banal si Pope Francis but well God used him as the instrument by the healing of the child and in so many ways we know that na maraming healers na ginagamit ang Diyos. So sa akin by God grace nangyari ang blessing na yun sa batang yun and thanks be to God and of course Pope Francis matagal nang sinasabi ng Simbahan na he is a vicar of Christ in this world and hindi lang yun we seen him in so many ways what is the church is and what the church should become so talagang daanan ng biyaya yan.Sa katotohanan ang ‘encounter’ ng Panto Papa at ng batang maysakit na brain tumor ang tunay na malaking biyaya .” ayon kay bishop Maralit sa panayam ng Radyo Veritas.
Dagdag pa ng obispo maging ang mga Filipino ay naranasan ang malaking biyaya ay himala na ito nang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong Enero ng 2015 at nagkaroon ng kasiyahan ang lahat ng nakatanaw o nakakita sa kanya kahit hindi ito personal na nahawakan o naakapa ang Santo Papa.
“But it is the encounter between us and our pope the holy father in so many ways sabi ko nga its by itself greatest gift na natanagagp natin sa visit nya . We are there kahit ako bago akong obispo noon di pa naman ako naoordinahan na obispo I was so excited and the day that I got to see him hindi naman napakalapit we never had the chance to touch his hands and some of us na nasa sidelight ay akoy makita ko lang kahit hindi ma touch ay akoy Masaya na. it is really an encounter and tingin ko nag highlight lang yung healing na gift from God but the encounter itself that’s the greatest gift there.”
Samantala, mahigit 2.7 bilyung mga katoliko sa buong mundo ang umaasa at naghahangad na makadama ng pagmamahal sa Simbahan at sa pagkalinga ng Santo Papa bilang pinakamataas na lider ng Simbahang Katolika.