198 total views
“Pagsasayang lamang ng salapi at oras ng taong-bayan.”
Ganito isinalarawan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., ang plano sa Kamara na buhayin ang same sex marriage bilang tugon sa Saligang Batas na ang lahat ng mga Filipino ay may karapatan na maging maligaya.
Ayon sa obispo, nakasaad sa Bibliya na ang kasal ay sagrado at ito ay para lamang sa babae at kapareha nitong lalaki.
Una ng inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ihahain niya sa Kongreso ang “same sex marriage bill o ang civil union of members of the LGBT community bilang respeto at pagtataas sa dignidad ng mga LGBTs.
“Naku napakalaking pag-aaksaya ng pera at panahon ng mga tao, wasting time and money ng ating bayan, talagang maliwanag sa Bibliya na ang kasal ay para lamang sa lalaki at babae, hindi naman lalaki sa lalaki, tingnan mo naman ang body structures hindi magkapareho, gaya gaya tayo sa ibang bansa (Western countries)…sa Africa nga, hindi maka-first based yang same sex marriage na yan kasi marunong silang tumutol,”pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa ulat ng CEOWORLD Magazine, nasa 22 mga bansa ang may same sex marriage hanggang nitong Agosto ng 2016.