20,928 total views
Hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na ipagdasal ang mga lider ng bansa sa gitna ng patuloy na bangayan ng kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Radio Veritas kay Cardinal Advincula, sinabi ng arsobispo na ang nangyayaring political storm sa mga matataas na lider ng bansa ay magdudulot lamang ng pagkaubos ng enerhiya na dapat gamitin sa paglilingkod sa pangangailangan ng mga Pilipino.
“I humbly exhort you all to pray for them that they may receive the grace to exercise statesmanship in most trying times so that sobriety may prevail in our land, and that political issues and personal interests may not divide the nation,” pahayag ni Cardinal Advincula.
Binigyang diin ng cardinal na mahalagang may pagkakaisa ang mga lider lalo’t patuloy bumabangon ang mga Pilipino sa epekto ng magkakasunod na malalakas na bagyo.
“It is our prayer that they may have the humility to listen to each other with respect and act together for the sake of the country. I also ask all the leaders of good will from different sectors of our society to do what they can to prevent the escalation of political and personal conflicts,” ani ng cardinal.
Umaasa si Cardinal Advincula na magkaroon ng kababaang loob at kahandaang makinig upang magkasundo ang magkatunggaling panig.
“Let us all pray for forgiveness and reconciliation, never doubting God’s grace and love for His people,” dagdag ng arsobispo.
Sa isang mensahe ni Pope Francis sa Worldwide Prayer Network hiniling nito sa mananampalataya na ipanalangin ang mga political leaders na maging mabuting katiwala sa pamumuno sa nasasakupan at patuloy na gampanan ang mga tungkulin para sa kabutihan ng lahat at integral human development lalo na ang pagbibigay pansin sa mga mahihinang sektor ng lipunan tulad ng mga dukha.