Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 276 total views

Mga Kapanalig, pinirmahan ni Pangulong Duterte noong nakaraang Miyerkules ang Republic Act No. 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022. Isinabatas ito limang taon matapos pumutok ang giyera sa lungsod dahil sa pagpasok doon ng mga kasapi ng Maute Group na itinuturing ng pamahalaan bilang isang teroristang grupo.

Itatatag ng nasabing batas ang Marawi Compensation Board na tatanggap at susuri sa mga aplikasyon para sa monetary compensation. Ang Marawi Compensation Board ay kabibilangan ng isang doktor, isang certified public accountant, isang guro o educator, at isang lisensyadong engineer. Dapat ding abogado ang tatlong miyembro ng board, at mas mabuti kung sila ay mga Maranao. Dalawa naman ang magmumula sa civil society organizations, at ang isa sa kanila ay dapat na Sharia lawyer o Muslim traditional leader.

Makatatanggap ng danyos perwisyo ang mga kaanak ng mga residenteng namatay (o pinaniniwalaang namatay) at nawalan ng ari-arian sa gitna ng digmaang nagsimula noong Mayo 2017 at tumagal ng limang buwan. Bibigyan sila ng isang taon upang magpasa ng kanilang application. Hindi na rin pagbabayarin ng buwis ang mga may-ari ng mga nasirang gusali sa loob ng tinatawag na main affected areas (o MAA) at other affected areas (o OAA). Babayaran din ng pamahalaan ang mga may-ari ng gusaling sinira upang bigyang-daan ang rehabilitasyon ng Marawi.

Hindi kailanman matutumbasan ng anumang halaga ang sakripisyo at paghihirap na pinagdaanan ng mga kababayan natin sa Marawi dahil sa kaguluhang hindi naman nila kagustuhan. Gayunman, malaking tulong ang danyos perwisong matatanggap ng mga biktima ng giyera matapos maipasa ang Marawi Siege Victims Compensation Act, at hangad nating magiging madali at mabilis ang pagtanggap ng kompensasyon ng mga biktima. Makatutulong ito sa kanila sakaling payagan na silang makabalik sa dati nilang tirahan at itayong muli ang kanilang tahanan at kabuhayan.

Hindi man kasama sa mga maaaring mabigyan ng kompensasyon ang mga kababayan natin doon na hindi nagmamay-ari ng anumang gusali at walang ari-arian, bibigyan naman daw sila ng pabahay. Sila ang karamihan sa mga pamilyang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakababalik sa Marawi. Sa datos ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, hindi bababa sa 17,000 pamilya (o mahigit 85,000 na indibidwal) na naapektuhan ng Marawi siege ang hindi pa rin nakababalik sa lungsod. Binubuo nila ang pinakalamaking bahagdan ng mga displaced persons sa Mindanao. Libu-libo pa rin ang mga nasa tinatawag na transitory sites kung saan pahirapan ang mga pagkakaroon ng hanapbuhay at pagkamit ng mga batayang serbisyo. May ilan nang inilipat sa mga pabahay ng gobyerno ngunit kilu-kilometro ang layo ng mga ito sa lungsod kung saan sila noon naghahanapbuhay.

Malayo pa ang lalakbayin ng mga kababayan natin sa Marawi upang itayong muli hindi lamang ang kanilang mga bahay kundi pati ang kanilang buhay. At malaking bahagi nito ang pagtatatag ng tunay na kapayapaan sa lipunang kanilang kinabibilangan. Ang kapayapaang ito, wika nga ni Pope Paul VI sa ensiklikal niyang Populorum Progressio, ay hindi lamang ang kawalan ng giyera. Ito ay nakakamit sa unti-unting pagtatatag ng kaayusang niloloob ng Diyos at naggagawad ng katarungan sa lahat. Kung maipatutupad nang tama, ang Marawi Compensation Act ay isang hakbang tungo sa pag-iral ng katarungan, pagtulong sa mga mahihirap, at pagtatanggol sa mga ulila at biyuda, katulad ng mababasa natin sa Isaias 1:17.

Mga Kapanalig, malaki ang implikasyon ng resulta ng darating na eleksyon sa maayos na pagpapatupad ng Marawi Compensation Act. Tiyakin nating ang pipiliin nating mga pinuno ng bayan ay iyong tunay na kumakalinga sa mga kababayan nating Maranao at napatunayan nang tumutulong sa paghilom sa Marawi. Tiyakin nating mapakikinabangan ng mga kababayan natin ang batas na ito.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 33,174 total views

 33,174 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,830 total views

 47,830 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,945 total views

 57,945 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,522 total views

 67,522 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,511 total views

 87,511 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 33,175 total views

 33,175 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,173 total views

 3,173 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,831 total views

 47,831 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,946 total views

 57,946 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 67,523 total views

 67,523 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,512 total views

 87,512 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,900 total views

 48,900 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,925 total views

 43,925 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,494 total views

 47,494 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,949 total views

 59,949 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,016 total views

 71,016 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,335 total views

 77,335 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,945 total views

 81,945 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,505 total views

 83,505 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,066 total views

 49,066 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top