Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paghinto ng mining operations sa Brooke’s Point, suportado ng opistal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 2,139 total views

Paghinto ng mining operations sa Brooke’s Point, suportado ng opistal ng CBCP

Suportado ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang panawagan ng mga residente ng Barangay Ipilan, Brooke’s Point, Palawan laban sa ilegal na operasyon ng Ipilan Nickel Corporation.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship, ang pagmimina sa Brooke’s Point ang unti-unting sumisira sa likas na yaman at kagandahan ng lugar dahil sa pagbubungkal sa mga bundok at pagpuputol sa mga punongkahoy na nagiging sanhi ng malawakang pagbaha.

“Ako po ay nakikiisa sa mga pumipigil sa pagmimina d’yan sa Ipilan sa Brooke’s Point kasi nakita po natin ang epekto nun ay talagang nakasira sa environment. Sila po ay kabilang sa nakaranas ng mga pagbaha dahil sa pag-uulan at hindi naman sila nakikinabang sa mining,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na ang malalaking korporasyon lamang ang nakikinabang sa pagmimina, habang lalo pang naghihirap ang taumbayan dahil sa dulot nitong pinsala sa buhay, ari-arian,at kalikasan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang matatag na paninindigan ng mga apektadong residente laban sa pagmimina ay halimbawa ng pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Dalangin naman ng Obispo ang kaligtasan ng mga residenteng nagsasagawa ng barikada sa Brooke’s Point at madinig ng pamahalaan ang panawagan na ang layunin ay mapangalagaan ang nag-iisang tahanan para sa mga susunod pang henerasyon.

“Nawa’y magbunga ang paninindigan ng mga tao upang hindi na payagan ang nickel mining sa Ipilan, pati na rin ang pagsasantabi ng pamahalaan sa anumang uri ng pagmimina na nakakasira ng ating inang kalikasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Nauna nang sinabi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na ang pagtutol ng taumbayan sa pagmimina ay karapatang dapat igalang dahil layunin nitong ipagtanggol ang kanilang kaligtasan, kalikasan, at pamayanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 12,655 total views

 12,655 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 20,433 total views

 20,433 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 28,613 total views

 28,613 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 45,024 total views

 45,024 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 48,967 total views

 48,967 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top