2,103 total views
Muling umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa bawat bansa upang suportahan ang panawagang ihinto na ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel.
Kaugnay ito sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 Summit na gaganapin sa Dubai mula November 30 hanggang December 12, 2023.
Ayon kay Pope Francis, dapat nang mahinto ang kahibangan sa patuloy na pagpapahintulot sa paggamit ng fossil fuel at mga imprastraktura nito dahil sa kaakibat na panganib at pinsala sa tao at kalikasan.
“Consumerist greed, fueled by selfish hearts, is disrupting the planet’s water cycle. The unrestrained burning of fossil fuels and the destruction of forests are pushing temperatures higher and leading to massive droughts. Alarming water shortages increasingly affect both small rural communities and large metropolises.” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Ang panawagan ng Santo Papa ay bahagi ng kanyang mensahe para sa paggunita sa World Day of Prayer for the Care of Creation 2023 sa September 1, hudyat ng pagsisimula ng Season of Creation.
Sinabi ni Pope Francis na mahalaga ang magiging gampanin ng bawat pinuno ng bansa sa COP28 Summit para mapagtuunan ang paglikha ng mga hakbang tungo sa tuluyang pagpapahinto sa paggamit ng fossil fuel.
Iginiit ng punong pastol ng Simbahang Katolika na inuubos ng mga mapagsamantalang kumpanya ang mga malilinis na mapagkukunan ng tubig na sa halip na pakaingatan ay isinasawalang-bahala na lamang kapalit ng salapi.
“Moreover, predatory industries are depleting and polluting our freshwater sources through extreme practices such as fracking for oil and gas extraction, unchecked mega-mining projects, and intensive animal farming. “Sister Water”, in the words of Saint Francis of Assisi, is pillaged and turned into ‘a commodity subject to the laws of the market’.” ayon sa Santo Papa.
Tema ng Season of Creation 2023 ang “Let Justice and Peace Flow” na hango sa mga kataga ni Propeta Amos na “Let justice flow on like a river, righteousness like a never-failing stream”.
Nito lamang Mayo 21-28 ay ginunita ng simbahan ang Laudato Si’ Week 2023 bilang pag-alala sa ikawalong anibersaryo ng pagkakalathala ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ para sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.