Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging ecclesiastical superior ni Fr. Napiere ng Tuvalu, ikinagalak ng Obispo ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

 20,101 total views

Ikinatuwa ng Diocese of Tagbilaran ang pagkatalaga kay Fr. Eliseo Napiere ng Mission Society of the Philippines bilang ecclesiastical superior ng Missio Sui Iuris (independent mission) ng Funafuti sa Tuvalu na bahagi ng Pacific Island.
Tiwala si Bishop Alberto Uy na magagampanan ni Fr. Napiere ang panibagong misyon na iniatang ng simbahan na pagpapastol sa mga katoliko na minorya lamang sa lugar.
Hiling ni Bishop Uy sa mananampalataya lalo na ng mga taga Diocese of Tagbilaran na ipanalangin ang tungkuling gagampanan ng Boholanong pari.
“Being the ecclesiastical superior, who oversees the Missio sui Iuris, is no easy task. As Bishop of Tagbilaran I ask the faithful to offer prayers for Father Napiere as he starts his role as leader of the Catholic Church in the independent mission,” pahayag ni Bishop Uy sa Radio Veritas.
Itinalaga ng Vatican nitong June 3 si Fr. Napiere bilang kahaliling pastol kay Filipino Bishop Reynaldo Getalado na itinalagang coadjutor bishop ng Rarotonga sa Cook Island.
Ibinahagi ni Bishop Uy na naging contemporary nito si Fr. Napiere sa Immaculate Heart of Mary Seminary sa Tagbilaran City.
Si Fr. Napiere na tubong Maribojoc Bohol ay ipinanganak noong June 14, 1965 habang naordinahang pari January 19, 1991.
Ilan sa mga naging gawaing pagmimisyon matapos maordinahan ang pagiging parish vicar ng Blessed Sacrament, Reclamation Area sa Cebu City; naging kasapi ng General Council at Bursar General ng MSP; naging misyonero sa Taiwan kung saan nagsilbing executive secretary ng Chinese Regional Bishops’ Conference, Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kasabay ng pamumuno sa Stella Maris Taiwan.
Sa pagkatalaga ni Fr. Napiere kasalukuyan itong naglingkod bilang kura paroko ng Saint James the Less sa Perris na sakop ng Diocese of San Bernardino sa Amerika.
Bilang ecclesiastical superior pangangasiwaan ng pari ang simbahang katolika ng Funafati, Tuvalu na isang porsyento lamang o katumbas sa 110 mananampalataya sa humigit kumulang 11-libong populasyon ng bansa.
Ang Missio sui Iuris ay isang independent mission na itinatag ng simbahang katolika sa mga lugar na hindi maaring ideklarang diocese o iba pang uri ng catholic jurisdiction.
Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Dicastery for Evangelization na kasalukuyang pinamunuan nina Pope Francis at Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 1,729 total views

 1,729 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 10,045 total views

 10,045 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 28,777 total views

 28,777 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 45,354 total views

 45,354 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 46,618 total views

 46,618 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 591 total views

 591 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top