578 total views
Karapatan ng bawat kabataan ang matuto na magbasa at magsulat.
Ito ang mensahe ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – Chairman ng Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) sa paggunita ng International Literacy Day sa September 08.
Sinabi ng Obispo na mahalagang magkaroon ang isang indibidwal ng kakakayahan na magpasya at kumilos ayon sa sariling pang-anuwa.
“Ang pagiging ‘literate’ ay daan tungo sa kaganapan ng pagkatao,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.
Inihayag ni Bishop Alarcon na magagamit din ang kakayahan sa pag-unlad ng kinabibilangan komunidad.
“Sana magabayan nating ang ating mga kabataan tungo sa ‘literacy’ at sa paghubog ng kanilang buong pagkatao. Sila ang kinabukasan at kasalukuyan ng bansa,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Alarcon.
Batay sa 2020-data ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala noong 2019 ang 91.6% na literacy rate ng mga Pilipinong edad 10 hanggang 64-taong gulang.
Sa kabila nito, ng dahil sa pagpapahinto ng face to face classes bunsod ng COVID-19 Pandemic noong 2021 ay naitala ng World Bank sa Pilipinas na apat lamang sa kada sampung mga batang nasa edad sampung taong gulang pababa ang kayang magbasa ng simpleng pangungusap.