Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging natural barrier ng Sierra Madre sa bagyo, kinilala ng Pari

SHARE THE TRUTH

 901 total views

Muling nanawagan si Fr. Pete Montallana, OFM, chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance na patuloy na pangalagaan ang Sierra Madre laban sa anumang panganib na hatid ng mga mapaminsalang proyekto.

Ito ang pahayag ng pari matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Karding kasabay rin ng paggunita sa Save Sierra Madre Day ngayong araw.

Ayon kay Fr. Montallana, muling nasaksihan ang kakayahan ng bulubundukin ng Sierra Madre na pangalagaan ang bansa lalo na ang malaking bahagi ng Luzon, sa pamamagitan ng pagbasag at pagpapahina sa bagyo.

Sinabi ng pari na hindi lamang mainam sa pagtugon sa epekto ng bagyo ang bulubundukin at kagubatan ng Sierra Madre kun’di maging sa pagtugon sa pagbabago ng klima ng bansa.

“Sana marealize ng mga tao na napakalaking ambag ng Sierra Madre sa atin. Totohanin din sana ng Department of Environment and Natural Resources ang kanilang mandato na alagaan talaga ang kalikasan, at tayong lahat magtulung-tulong kasi ang buhay ng Sierra Madre ay buhay ng lahat,” pahayag ni Fr. Montallana sa Radio Veritas.

Iginiit ni Fr. Montallana na ang pagiging natural barrier ng Sierra Madre laban sa mga sakuna ang naghahatid ng kaligtasan sa mga tao dahil naiiwasan nito ang posibleng mga pinsalang dulot ng mga dumadaang bagyo sa bansa.

Samantala, hinihiling naman ng pari sa pamahalaan na muling pag-aralan ang mga binabalak na proyekto sa bahagi ng Sierra Madre lalo na ang Kaliwa Dam Project.

Sinabi ni Fr. Montallana na maliban sa negatibong epekto ng pagpuputol ng punongkahoy upang bigyang-daan ang Kaliwa Dam, nakaamba rin dito ang panganib ng aktibong Infanta fault line.

“It is almost seating eight kilometers lang ang layo sa Kaliwa dam. Imagine noong 1882, ang Infanta fault line which is part of the Philippine fault line, nasira ang Infanta. Ang mga simbahan pati ang katedral d’yan sa Maynila ay nasira din. Ganyan kalakas ang Infanta fault line kapag gumalaw,” saad ng pari.

Ang Sierra Madre na tinagurian bilang “the back bone of Luzon”, ang pinakamahabang mountain range sa Pilipinas na mayroong 500 kilometro ang haba at binabagtas ang mga lalawigan mula Cagayan hanggang Quezon.

Taong 2012 nang ideklara ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Save Sierra Madre Day upang paigtingin ang pangangalaga sa bulubundukin at alalahanin ang mga naging biktima ng matinding pagbaha dulot ng pananalasa ng bagyong Ondoy noong 2009.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 3,965 total views

 3,965 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 20,552 total views

 20,552 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 21,922 total views

 21,922 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 29,631 total views

 29,631 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 35,135 total views

 35,135 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 604 total views

 604 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 2,502 total views

 2,502 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 6,941 total views

 6,941 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 9,020 total views

 9,020 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top