245 total views
Ito ang paalala ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay na rin sa insidente ng pamamaslang sa mga pari.
Nakakatiyak din ang Obispo na sa kabila ng mga karahasan laban sa mga pari patuloy pa rin na lalago ang bokasyon ng mga kabataan para isulong ang misyon ng simbahan sa kapwa at lipunan.
“Im definite Hindi backwards kundi dadami pa ang bokasyon pagdating ng ganitong pangyayari,” ayon kay Bishop Bacani.
Bukod kay Fr. Nilo; Una na ring napaslang sina Fr. Mark Anthony Ventura ng Archdiocese ng Tuguegarao at Fr. Marcelito Paez ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija.
“Pagka-nagpari ka, puwede kang ma-challenge sa heroism. Yung mga kabataan naman natin ngayon ay hindi naman duwag. Kapag nakikitang may tamang… very good cause for that may mabuti ka ring ipinaglalaban at sinisikap na isabuhay. Yan ay malaking hamon na tutugunan ng mga kabataan,” dagdag pa ng Obispo.
Naunang nanindigan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na lalong magpapayabong ng pagbobokasyon ang sunod-sunod na pagpatay sa mga pari.
Read: Sunod-sunod na pagpaslang sa mga pari, lalung magpapalago sa pagbobokasyon
Sa datos ng Catholink noong 2015 sa Luzon, tinatayang aabot sa 3,000 ang mga seminarista.
Tumaas din ng 1.1 porsiyento ang bilang ng mga katoliko sa buong mundo na ayon sa Annuarium Statisticum Ecclesiae 2016 o umaabot na sa 1.3 bilyon.