289 total views
Ayon sa Pari, binigyang diin ng Kardinal ang kahalagahan ng lahat ng religious sectors na laging nakaagapay sa mamamayan bago pa man magkaroon ng sakuna hanggang sa matapos ito.
Dagdag pa ng Pari, hindi lamang sa mga natural calamities dapat magkaroon ng kahandaan ang mga Faith-based Organizations kundi maging sa pagtugon sa mga biktima ng man-made disasters tulad ng nagaganap na kaguluhan sa Marawi.
“Sabi n’ya [Cardinal Tagle], before, during and after, nandiyan tayo, meron tayong permanent perpetual presence with the community at kaya nga mahalaga na tayo, simbahan, Parishes, Dioceses ay may kakayahan na gawin yung papel natin sa bahagi ng pagtugon. Hindi lang yang natural Disaster [yung dapat paghandaan] kundi yung human disaster kagaya ng nangyayari ngayong giyera sa Marawi,” pahayag ni Father Gariguez
Samantala, bagamat limitado ang kakayahan ng simbahan sa pagtulong, itinuturing parin ni Fr. Gariguez na isang magandang pangyayari ang pagkagising ng mga Diyosesis na mahalagang maging malakas ang bawat simbahan upang matulungan ang mga nangangailangan.
Dagdag pa ng Pari ang pagtugon na ibinabahagi ng Simbahan ay maliit na bahagi lamang kumpara sa tulong na maibabahagi ng pamahalaan.
Para tugunan ang pangangailangan ng mga nagsilikas na residente ng Marawi, nagpadala ang CBCP-NASSA/Caritas Philippines ng 300,000 pisong cash donations habang 500,000 piso at 100-kaban ng bigas ang ipinagkaloob ng Caritas Manila.
Read: http://www.veritas846.ph/obispo-ng-marawi-labis-ang-pasasalamat-sa-cash-at-rice-donations-ng-caritas-manila/
http://www.veritas846.ph/catholic-church-launches-solidarity-appeal-for-marawi/
Sa datos ng DSWD umaabot na sa 59, 665 na indibidwal ang internally displaced sa Region X at ARMM.(Yana Villajos)