2,408 total views
Kinilala ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pagkakatalaga ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto bilang susunod na Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catholic Education (CBCP-ECCCE).
Ayon kay Jose Allan Arellano, sa tulong ni Bishop Presto na una naring naging aktibo sa pagsusulong sa kahalagahan ng katolikong edukasyon sa mga kabataan ay magkakaroon ng matibay na tagapangasiwa ang CBCP-ECCCE.
Inaasahan rin ang pagiging aktibo ng Obispo sa pangunguna ng mga inisyatibong higit na papaunlarin ang katesismo at pag-aaral ng mga estudyante sa mga katolikang paaralan o institusyon sa bansa.
“Bp.Presto has been an active educator and a strong advocate of Catholic education. He has worked with CEAP in many programs and has accepted invitations to speak to Catholic educators and superintendents of Catholic schools during conferences and summits, he is part of the team that designed the 2023 CEAP Convention Program which will be held in Cebu on October 17 to 20, the CEAP Board is looking forward engaging and welcoming him during its next meeting in October,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Arellano sa Radio Veritas.
Si Bishop Presto na kasalukuyang Vice-chairman ng komisyon ay naitalaga sa kakatapos lamang na 126th plenary assembly ng CBCP, magsisimula si Bishop Presto bilang susunod na Chairman ng CBCP-ECCCE ngayong November 2023 na magtatagal sa susunod na dalawang taon kung saan hahalili ang Obispo kay Bayumbong Bishop Jose Elmer Mangalinao.