Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 17,128 total views

Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51

Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si Elias. Siya na lang kasi ang natitira sa mga propeta ng Israel; ang lahat ay pinapatay na ng Reynang si Jezebel na umimpluwensya sa asawa niyang hari na si Acab na talikuran ang pananampalatayang kinaguisnan niya. Pagod na si Elias sa pagtatago sa disyerto. Alam niyang sa ayaw niya at sa gusto, mahuhuli din siya ng mga sundalo ng hari at bibitayin tulad ng ibang mga propeta.Sometimes some people do not want to eat, not because they have no appetite, but because they have lost their will to live.
Narinig natin ang kuwento, maghapon na daw na naglalakbay sa disyerto ang propeta. Sumilong siya sa lilim ng isang punongkahoy at nagdasal na sana mamatay na siya. May tawag sa ganitong klase ng disposisyon sa psychology: depression—kawalan ng ganang mabuhay.

Nangyayari ang ganito kapag parang wala nang matakbuhan o masulingan ang tao. Kapag parang natatakpan na ang utak nila ng isang madilim na ulap at di na makita kung saan sila patungo. Kapag ang buhay ay parang isang bangungot o masamang panaginip at mas gusto na lang nilang matulog at di na magising. Pero tulad ng narinig natin sa kuwento, gustuhin man niyang mamatay, parang wala din siyang lakas ng loob na tapusin ang sariling buhay kaya nagdadasal siya na kunin na lang siya ni Lord. Kaya sabi niya: “Bawiin mo na lang ang buhay ko, Panginoon.”
Nahiga daw siya at nakatulog. Sa totoo lang, magandang palatandaan ang mahimbing na tulog. Ang mga nadi-depress, kadalasan ay hindi nga makatulog. Pero ginising daw siya ng anghel at sinabihan na kumain, at kumain naman siya at natulog na muli. Gayunpaman, hindi raw siya iniwan ng anghel, hinayaan siyang matulog pero ginising din siyang muli para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Bundok. May alam ako na dumanas nang ganyang sitwasyon at meron din daw mga anghel na umalalay sa kanila; wala nga lang pakpak. Mga sugo ng Diyos na nagpapalakas ng loob sa atin para magpatuloy.

Doon, nang nasa bundok na siya, sa loob ng kuweba, doon pa lang natanggap ni Elias ang tunay na pagkain na pinaka-kailangan niya: ang ganang mabuhay. Tinatakasan niya ang mga bagyo, lindol at apoy na dumadaan sa buhay niya; pero isang munting tinig ang gumising sa kalooban niya at nagpalakas sa kanya para lumabas at humarap sa mga pagsubok ng buhay. Isang tinig na may tanong: “Ba’t narito ka? Elias?” Tayo rin, minsan kailangan nating balikan ang dahilan kung bakit narito tayo sa mundong ibabaw—balikan ang layunin. Ito lang ang makapagpapabalik sa ating ganang mabuhay.

Ewan ko kung ilan sa inyo rito ang nakaranas na ng pinagdaaanan ni Elias—sitwasyon ng pagkasira ng loob, pagkaturete, pagkawala ng direksyon dahil sa tindi ng mga pagsubok na hinaharap—maaring nawalan ng trabaho, dumanas ng hidwaan sa pamilya, o ng pagkamatay ng mga mahal sa buhay, atbp. Sa Tagalog, HANAPBUHAY ang tawag natin sa trabaho. Malinaw sa atin: kahit alam nating kailangan natin ng pera, hindi lang pera ang hinahanap natin, kundi BUHAY. Makahulugang buhay. Ang dami nating ginagawa nang kusang-loob kahit walang bayad, di ba? Sa Ingles, ang tawag sa mga naghahanapbuhay at sumusustento sa pamilya ay BREADWINNERS. Akmang-akma sa ebanghelyo natin ngayon tungkol sa BREAD OF LIFE. Matalinghagang magsalita si Hesus, kaya hindi siya maintindihan ng iba.

Doon sa ibang kuwento tungkol sa babaeng Samaritana,sa Juan 4, si Hesus ang nauuhaw, pero siya raw ang nagbigay ng “buhay na tubig” na hinahanap ng babae. At doon sa kuwento, umalis ang mga alagad para bumili ng pagkain. Nang bumalik sila at inaalukan siyang kumain , sinabi niya busog pa siya. Kaya nagtaka sila kung meron na bang nagpakain sa kanya, pero sinabi niya, “Magawa ko lang ang kalooban ng nagsugo sa akin, busog na busog na ako.”

Di ba ganyan ang mga nanay pag alam nilang bitin ang pagkain? Pinauuna ang mga anak at sinasabing busog pa siya? At pag naubos ang pagkain sinisimot niya ang natira at sinasabing favorite kasi niya ang mga ulo at buntot ng isda, at nasasarapan siya sa tutong. Totoong nakakabusog ang kumain, pero mas nakakabusog ang magpakain. Ito ang tinutukoy ni Hesus na matalinghagang pagkain sa ating ebanghelyo, ang tinatawag niyang Pagkain ng Buhay. Kaya siguro “hulog ng langit” ang tawag natin sa mga taong naghahatid ng grasya sa buhay natin sa tamang panahon. Dumarating sa mismong sandali ng pangangailangan, walang hinihintay na kabayaran o kapalit sa ibinibigay. Walang ibang hangad na ligaya kundi ang makitang maligaya ang binibigyan. Ganyan ang Diyos na pinakilala ni Hesus.”

Hindi ito maiiintindihan ng taong wala pang alam busugin kundi sariling tiyan, mga taong may kinakain na nga umaangal pa o naghahanap pa ng ibang ulam. Nagbabago lang iyan kapag ang anak na pinakain ay naging magulang at nagkaroon ng sariling anak na pakakainin. Pag nakita mo na kung gaano kahirap maghanapbuhay at magpakain, saka mo malalaman na ang pinakain pala sa iyo ay hindi pinulot lang sa kalsada. Pinaghirapan, pinagbuhusan ng pawis at luha. Ang tunay na ibinibigay ng nagmamahal sa kanyang minamahal ay sariling buhay niya—katawan at dugo niya. Iyon ang Tinapay ng Buhay; iyon ang Eukaristiya.

Kasabihan natin sa Pilipino—madali ang maging tao, ngunit mahirap magpakatao. Hindi kasi madaling hanapin ang tunay na makapagbibigay ng kahulugan at layunin sa buhay bilang ganap na tao. Walang mas sasarap na pagkain kaysa doon sa kinayod at pinaghirapan nang buong sipag, tiyaga at malasakit sa minamahal. Mas masustansyang di hamak ang pagkain ang pinagpaguran ng nagmamahal, na inilaan ang sarili hanggang kamatayan sa ikabubuhay ng minamahal.
Parang eskwelahan pala ang tahanan—eskwelahan ng pagpapakatao, ng pagsasanay sa paghahanap ng buhay at pagsasabuhay nito na parang tinapay na hindi ipinagdamot, laang mabiyak o mahati para makain at maubos. Sabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, “Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pagibig sa atin ni Kristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Diyos.”

Ito ang kinakain natin sa Misa: Imbes na tingnan ang tinapay at alak na nagiging si Kristo sa kumpas ng isang basbas, ba’t di natin baligtarin? Makita kay Kristo ang Diyos na nagpapakumbaba, bumababa upang maging tinapay at alak, ang Diyos na ang ipinapakain ay walang iba kundi sariling katawan at dugo. At ang sinumang kumain sa kanya ay matutulad sa kanya—natututo rin na maging bigay-todo. Di ba ganito ang sinasabi ng kinakanta natin sa Misa? “Nang tanggapin ko si Hesus aking Diyos, nagbago ang lahat sa buhay ko… Bagong ligaya ang nadarama, bagong pag-asa ang nakikita. Lahat, lahat ay aking ibibigay, ibibigay pati aking buhay upang purihin siya.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Laban Kontra Corruption – Mahaba At Nakakapagod

 6,068 total views

 6,068 total views Kapanalig, ang korapsyon ay pangunahing salik o tanikala na pumipigil sa adhikain para matamasa ng Pilipinas at mamamayan nito ang “equitable development at economic prosperity”. Ang Pilipinas ay nasa ika-115 rank mula sa 80-bansa sa Asia at Pacific sa pinakahuling Corruption Perception Index (PCI) ng Berlin based-Transparency International noong February 2024 kung saan

Read More »

Inevitable Disaster

 13,177 total views

 13,177 total views CLIMATE CHANGE, ang epekto at panganib na dala nito ay hindi na isang babala kundi isang “distress call” na sa lahat ng tao sa mundo. Kapanalig, nawa habang tayo ay naghahanda at nagagalak sa pagdating ng ating panginoong Hesus ngayong Advent season… maging mabuti din sana tayong tagapangalaga ng sangnilikha. Base sa pag-aaral

Read More »

Walang patumanggang ganid

 22,991 total views

 22,991 total views Mga Kapanalig, walang patumanggang ganid ang uubos sa likas-yaman ng isla ng Palawan, ang tinaguriang “last ecological frontier” ng ating bansa. Tatlong obispo sa isla ang sama-samang naglabas ng isang liham-pastoral para ipaalam sa publiko, lalo na sa ating gobyerno, ang bantang kinakaharap ng napakayaman at napakagandang isla. Sila ay sina Puerto Princesa

Read More »

Sinong dapat humingi ng tawad?

 31,971 total views

 31,971 total views Mga Kapanalig, si Vice President Sara Duterte na mismo ang nagsabi: “Christmas is a season for forgiveness, love, and generosity.” Iyon daw ang mensahe at diwa ng Pasko. Pero hindi para sa kanya. Nasa sa ating mga pinaglilikuran niya bilang pangalawang pinakamakapangyarihan sa gobyerno kung tayo ay magiging mapagpatawad. Magkakaiba raw tayo. May

Read More »

Tutukan ang latest

 32,807 total views

 32,807 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang latest? Marami na siguro sa inyo ang nakakalam ng pinakahuling update sa mga balitang showbiz. Bakit naghiwalay ang isang loveteam? Sino ang nag-cheat sa kanilang karelasyon? Paano nabukó ang panloloko nila sa kani-kanilang kasintahan? May makakasuhan kaya ng paninirang-puri? O deserve ng mga nanlokong mapahiya sa

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUHAY NA MABUNGA

 251 total views

 251 total views Homiliya Para sa Pang-apat na Simbang Gabi, 19 Dis 2024, Lk 1:5-25 Ramdam ko ang pagkainis sa tono ng salita ni anghel Gabriel sa kuwento ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Ang trabaho lang naman niya ay magdala ng mabuting balita. Kadalasan ang mahirap ay ang magdala ng masamang balita. Kung ikaw

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DI NA MAGLULUWAT

 2,880 total views

 2,880 total views Homiliya para sa Unang Simbang Gabi, 16 Disyembre 2024, Isa 56, 1-3a. 6-8 and Jn 5:33-36 Ang unang pagbasa mula kay propeta Isaias ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa unang araw ng ating simbang gabi. Ayon sa propeta, sinabi daw ng Panginoon: “Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RED DAY

 16,878 total views

 16,878 total views On this “red day” of my life and ministry as a bishop, allow me to repost a homily I delivered on 25 Nov. 2020, Red Wednesday, entitled “WASHED BY THE BLOOD OF THE LAMB” based on Lk 21:12-19, Memorial of St. Catherine of Alexandria Red is a dangerous color. The Spaniards say if

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ATTENTIVENESS

 8,390 total views

 8,390 total views Homily for 1st Sunday of Advent, 1 Dec 2024, Lk 21:25-28, 34-36 Someone once asked me what our Kapampangan word for listening is. I said “Makiramdam.” He seemed puzzled because he knows that “makiramdam “ is also a Tagalog word and it means “to feel.” So how do you say, “to feel” in

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LESSONS FROM NATURE

 7,801 total views

 7,801 total views Homily for Friday of the 34th Week in OT, 29 Nov 2024, Lk 21:29-33 “Consider the fig tree…”, Jesus says in today’s Gospel. Two Sundays ago (on the 33rd Sunday of Year B from Mark 13:24-32), we heard Mark’s parallel to this narrative. But there, Jesus says, “Learn a lesson from the fig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MGA ARAL NG KALIKASAN

 11,105 total views

 11,105 total views Ika-33 Linggo ng KP, taon B, ika-17 ng Nobyembre 2024, Marko 13:24-32 Noong nagpilgrimage ang mga pari ng Kalookan, minsan nakita ko ang isa sa mga pari namin na “plantito” ring tulad ko. Nakatayo siya sa ilalim ng isang punongkahoy sa tapat ng hotel. Nakahawak siya sa gilid ng puno, nakadampi ang palad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

EXCUSES

 14,791 total views

 14,791 total views Homily for Tuesday of the 31st Week in OT, 5 Nov 2024, Lk 14:12-14 I hope you don’t mind that I do some “reading between the lines” of the parable narrated by Jesus in today’s Gospel. Is the host in the story commanding his servant to let the poor and the crippled, the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 10,783 total views

 10,783 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 12,913 total views

 12,913 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 12,913 total views

 12,913 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 12,914 total views

 12,914 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 12,910 total views

 12,910 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 13,781 total views

 13,781 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 15,982 total views

 15,982 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 16,015 total views

 16,015 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top