Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 69,081 total views

Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.”

Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization ng UN na may mga taong nagugutom pa rin sa kabila ng sapat na pagkaing napo-produce ng mga magsasaka at mangingisda sa buong mundo. 

Masasabi ba talaga nating nakakamit ng lahat ang karapatan sa pagkain?

Matatandaang nitong Agosto ay nabatikos ang kalihim ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na si Secretary Arsenio Balisacan dahil sa komentong kailangan lamang ng ₱64 upang makakain nang tatlong beses sa isang araw ang isang Pilipino. Maraming bumatikos dahil hindi raw makatotohanan ang halagang iyon. Napakalayo raw sa reyalidad ng gutom na nararanasan lalo na ng mahihirap. 

Ayon sa survey ng Social Weather Stations, 17.6% ng mga Pilipino ang nakararanas ng gutom noong second quarter ng 2024. Mas mataas ito sa 14.2% na naitala noong Marso. Ang 15.9% involuntary hunger average sa unang anim na buwan ng 2024 ay ang pinakamataas na hunger average mula 2020 o noong kasagsagan ng pandemya. (Ang involuntary hunger ay tumutukoy sa karanasan ng gutom o kawalan ng access sa pagkain isang beses sa tatlong buwan.)

Sa datos naman ng Global Hunger Index noong taong 2023, ang Pilipinas ay pang-66 sa 125 bansa kung pag-uusapan ang kagutuman. Sa score ng Pilipinas na 14.8%, maituturing na moderate ang tindi ng mga epekto ng gutom at kawalan ng pagkain. Ayon sa pag-aaral na ito, isa sa bawat tatlong Pilipino ang undernourished. isa sa bawat anim na bata naman ang kulang sa kanilang timbang at tangkad dahil sa hindi sapat na nutrisyon. Isa sa bawat tatlong batang Pilipino na limang taong gulang pababa ang namamatay dahil sa gutom. 

Sinasalamin ng mga datos na ito ang malubhang problema ng gutom at malnutrisyon. Pero hindi na lamang ito suliraning pangmateryal; problemang espitiritwal din ito. Kinikilala sa panlipunang turo ng Simbahan na ang pagkain ay mahalaga upang ang tao ay mabuhay. Ayon kay Pope Benedict XVI, “The right to food, like the right to water, has an important place within the pursuit of other rights, beginning with the fundamental right to life. It is therefore necessary to cultivate a public conscience that considers food and access to water as universal rights of all human beings… Dagdag pa niya, kailangan ng pagtutulungan ng lahat at pakikiisa ng mga mauunlad na bansa upang sapat na matugunan ng mga developing countries ang problema nila sa pagkain.

Ngayong World Food Day, hinahamon tayong tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayang nagugutom, kahit sa maliit na paraan. Kasama sa mga pwede nating gawin ang simpleng pag-ubos ng ating kinakain, ang pagpapalakas ng ating lokal na produksyon upang maging mura ang mga bilihin, at pagsuporta ng gobyerno sa mga magsasaka at mangingisda, lalo na sa panahon ng kalamidad. Sa ganitong paraan, masisiguro nating ang sapat na pagkain ay aabot sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino, lalo na ng mahihirap.

Mga Kapanalig, ang gutom ng katawan ay gutom din ng kaluluwa. Ang suliraning ito sa pagkain ay hindi lamang papawi sa gutom ng kalamnan, ngunit hihilom din sa pangangailangan ng kaluluwa. Nawa’y makita natin si Hesus sa ating kapwang nagugutom gaya ng Kanyang sinabi sa Mateo 25:35 at 40: “Sapagkat ako’y nagugutom at ako’y inyong pinakain; ako’y nauuhaw at ako’y inyong pinainom….‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BAYANIHAN

 2,048 total views

 2,048 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 25,493 total views

 25,493 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 42,255 total views

 42,255 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 55,314 total views

 55,314 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »

Mga bunga ng ating paglimot

 53,377 total views

 53,377 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 2,049 total views

 2,049 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 25,494 total views

 25,494 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 42,256 total views

 42,256 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 55,315 total views

 55,315 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 53,378 total views

 53,378 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 66,174 total views

 66,174 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 76,676 total views

 76,676 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 91,749 total views

 91,749 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 97,713 total views

 97,713 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 101,860 total views

 101,860 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 111,135 total views

 111,135 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 55,242 total views

 55,242 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 53,487 total views

 53,487 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 103,795 total views

 103,795 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 113,106 total views

 113,106 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top