14,033 total views
Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento.
Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat.
“We praise and thank God for the appointment of Bishop Elect Reynaldo Bersabal. This still manifests our 500 years of Christianity’s theme Gifted to Give!” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.
Sinabi ni Archbishop Cabantan na ipinadala si Bishop-elect Bersabal ni noo’y Cagayan de Oro Archbishop Jesus Tuquib dalawang dekada na ang nakalilipas upang tumulong sa pagpapastol sa mga parokya ng Diocese of Sacramento sa California.
Tiniyak ng arsobispo ang mga panalangin para sa bagong misyong gagampanan ni Bishop-elect Bersabal na maging katuwang ni Sacramento Bishop Jaime Soto sa pagpapastol sa mahigit isang milyong katoliko sa lugar kasama si Bishop Emeritus William Weigand.
“We pray for him in his new ministry as auxiliary bishop in Sacramento. We rejoice with him; all the clergy, lay and consecrated persons here and the seminaries where he was formed with us in San Jose de Mindanao College Seminary and St. John Vianney Theological Seminary,” ani Archbishop Cabantan.
April 20 nang inanunsyo ng Vatican ang appointment sa ikalimang Pilipinong obispo sa Amerika kung saan kasalukuyang itong kura paroko sa Saint Francis of Assisi Parish sa California mula pa noong 2022.
Si Bishop-elect Bersabal ay ipinanganak noong October 15, 1964 sa Magsaysay, Misamis Oriental at inordinahang pari ng Cagayan de Oro noong 1991.
Ilan sa mga tungkuling ginampanan sa arkidiyosesis bago ipadala sa Amerika ang pagiging parochial vicar ng Our Lady of Snows parish; parish administrator ng Our Lady of Guadalupe parish; at parish priest ng St. Francis Xavier.
Nagsilbi rin itong assessor of marriage cases sa metropolitan tribunal ng arkidiyosesis, chancellor at archdiocesan director ng Pontifical Mission Societies in the Philippines.
Matapos ma-incardinate sa Diocese of Sacramento noong 2004 ilan sa mga pinaglingkurang parokya ang St. James Parish sa Davis; St. Anthony Parish sa Sacramento; St. Paul parish in Sacramento; St. John the Baptist parish at ang St. Francis Xavier Parish.
Mula 2012 ay nagsisilbing liaison para sa Filipino presbyterate ang bagong hirang obispong Pilipino sa Amerika.