Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 414 total views

Homiliya Para sa Huwebes sa ika-7ng Linggo ng Pagkabuhay, 25 May 2023, Juan 17:20-26

Magandang hangarin ang PAGKAKAISA pero hindi lahat pinagkakaisahan ay mabuti o tama. Sa ating first reading, nagkaisa ang mga Pariseo at Saduseo na karaniwang hindi nagkakasundo sa maraming usaping doktrina. Nagkaisa lang sila sa hangarin nilang mapabilanggo at mapatahimik si San Pablo sa pangangaral niya ng mabuting balita tungkol sa Panginoong HesuKristo.

Alam ni San Pablo na may mga pagkakaisa na madaling buwagin. Kaya kumambyo siya sa depensa niya. Ang sabi niya, “Kaya ba ako nililitis dito at dahil Pariseo ako at naniniwala sa muling pagkabuhay?” Alam kasi niya na ang doktrina tungkol sa muling pagkabuhay at kabilang buhay ay isa sa mga pinagtatalunan ng dalawang grupo. Pro-resurrection ang mga Pariseo, kontra naman ang mga Saduseo. Para sa kanila, walang ibang buhay kundi ang dito sa mundo.

Ayun, ang bilis tuloy na nabuwag ng pagkakaisa nila ; aba narinig lang ang muling pagkabuhay biglang hindi na sila magkasundo sa naunang hangarin nila na mahatulan si San Pablo ng parusang kamatayan.

Sa ebanghelyo naman, narinig natin ang sinabi ni Hesus sa Juan 17:20, “Ang panalangin koʼy hindi lang para sa kanila na sumasampalataya sa akin , kundi pati na rin sa mga sasampalataya pa sa akin sa pamamagitan ng pangangaral nila.” Ibig sabihin, hindi lang para sa kanyang mga alagad na kasama niya sa sandaling iyon, kundi para din sa ating mga alagad niya ngayon.

Pero linawin natin, malinaw ang hiniling niya—hindi lang na magkaisa tayong lahat, kundi ang tayo’y magkaisa “kung paanong siya at ang Ama ay nagkakaisa.” Na sana ang maging batayan ng ating pagkakaisa ay ang pagkakaisa ng Ama at Anak sa buklod ng Espiritu Santo. Pagkakaisang nakatayo sa pundasyon ng pag-ibig, dahil, sabi nga ni San Juan, “Ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8)

At sabi rin ng Kasulatan, “Nilikha ng Diyos ang tao sa kanyang sariling hugis at wangis.” (Gen 1:26-27). Ibig sabihin, kalooban niya na mahawig tayo sa kanya. Nagkamali nga lang tayo ng intindi; akala natin makakahawig natin ang Diyos sa pamamagitan ng paghahangad ng kapangyarihan. Nilinlang ng dimonyo ang tao na maghangad na mag-Diyos-diyosan, upang lalong malayo sa hugis at wangis ng Diyos.

Si Kristo Hesus ang nagturo sa atin sa tunay na pakikitulad sa Diyos: ANG PAG-IBIG. Kapag ang tao’y natututong lumabas sa sarili, kumalinga sa kapwa lalo na sa mga maliliit at mga nasasantabi, magmalasakit, magpakumbaba, magpatawad, maghangad ng katarungan na nakabatay sa habag, kapag natuto tayong magparaya at mag-alay ng buhay alang-alang sa kaibigan o minamahal, noon lang tayo makakabuo ng buklod na matibay na bilang isang sambayanan, sa Ingles, COMMUNITY, buklod na sumasalamin sa Banal na Santatlo ( Holy Trinity).

Hindi naman kasi lahat ng nagkakaisa ay matatawag na “community”. Lalo na kung ang pinagkakaisahan nila ay pagkamuhi, pagkainggit, hinanakit, pagkahumaling sa kapangyarihan, kayamanan at katanyagan. Walang uusbong na community kung walang nabubuong “COMMUNION” o pagkakaisang-puso’t diwa. Ito ay kaloob ng iisang Espiritu Santong ating tinanggap sa binyag.

Kaya napakahalagang simbolo para sa ating mga Katoliko ng Santo Papa. Ang itinuturing natin kapwa Katoliko sa buong daigdig ay ang sinumang “in communion with the Bishop of Rome”. Ang Roma ay simbolo para sa atin ng pagkakaisa bilang pandaigdigang simbahan. Kaya “Pontifex Maximus” ang tawag sa Latin sa sinumang maluklok bilang Obispo ng Roma, dahil siya ang gumaganap bilang ating tulay o tagapag-ugnay sa isa’t isa. Siya ang kumakatawan sa papel na ginampanan ni San Pedro bilang pinuno ng mga apostol. Tagapangalaga ng buklod ng pagkakaisa ng sambayanan ng mga alagad sa iisang Espiritu, sa ngalan ni Kristo.

Minsan, sa pagpapalayas ni Hesus ng mga dimonyo, tinawag siyang “alagad ng dimonyo” o “kampon ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga dimonyo.” Sinabi tuloy niya, “Ang isang kahariang nahahati laban sa sarili ay hindi maaaring manatili.” Iyon kasi ang misyon ng dimonyo, ang pagkaisahin tayo sa maling hangarin para magkahati-hati tayo, maglaban-laban, magkaisa sa pagkahumaling sa kapangyarihan, sa prinsipyong MATIRA ANG MATIBAY.

Pero wala tayong dapat ikatakot; ipinagdasal tayong lahat upang magkaisa, hindi lang tayong mga nananatili pang buhay, kundi kasama na rin ng ating mga yumao na nananatili pa ring nakabuklod sa iisa at buháy na katawan ng ating Panginoong HesuKristo. Ito lamang ang matibay pagkakaisa na ipinanalangin ni Hesus para sa atin.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 22,254 total views

 22,254 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,910 total views

 36,910 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 47,025 total views

 47,025 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,602 total views

 56,602 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,591 total views

 76,591 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,154 total views

 7,154 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,284 total views

 9,284 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,283 total views

 9,283 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,285 total views

 9,285 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,281 total views

 9,281 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,153 total views

 10,153 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,355 total views

 12,355 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,388 total views

 12,388 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,742 total views

 13,742 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,838 total views

 14,838 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,046 total views

 19,046 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,765 total views

 14,765 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,134 total views

 16,134 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,396 total views

 16,396 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,089 total views

 25,089 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top