694 total views
Ito ang layunin sa pagbukas ng National Laity Week ngayong taon alinsunod sa temang “The Laity in Solidarity with Clergy and Consecrated Persons Toward Social Transformation”.
Ayon kay Dr. Marita Wasan, National Chairperson ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, layon ng pagtitipon na palawakin ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga layko sa mga pari, relihiyoso at mga nagtalaga ng buhay sa Panginoon.
“Aim ng Laiko ang makita sa mga Katoliko ang mukha at wangis ni Kristo at ito ay naisasabuhay.” Bahagi ng pahayag ni Wasan sa Radio Veritas.
Sa homiliya ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy, tungkulin ng mga layko na magdasal, tumulong sa Simbahan at sumunod sa mga alituntuning itinakda ng mga pastol ng Simbahan.
Binigyang diin ng obispo na tungkulin ng mga pari ang magbigay ng aral sa mga layko at ang mga layko naman ang tutulong sa mga lider ng Simbahan upang maibahagi ang natutuhang aral sa kapwa lalo na ang mga hindi aktibo sa Simbahan.
Ibinahagi pa ni Bishop Famadico na pinalalawak ng kaniyang diyosesis ang mga programa na magpapalakas at magpapatatag sa ugnayan ng Simbahan at mananampalataya.
“Ang binibigyan namin [Diocese of San Pablo] ng pansin ang tinatawag na Kapitbahayang Katoliko sa pamilyang Kristiyano. Ang ginagawa namin, ang Simbahan bumubuo ng mga leaflets at ito ay dinidistribute sa mga pamayanan at naging gabay nila sa kanilang pananalangin.” pahayag ng obispo.
Sa tala ng pamunuan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas higit sa isanlibo ang mga dumalo sa pagbubukas ng Linggo ng mga Layko na ginanap sa San Pablo Cathedral, San Pablo Laguna.
Kabilang sa mga Diyosesis na nakiisa ang Archdiocese ng Maynila, Dioceses ng Novaliches, Malolos, Olongapo, Baguio, at iba pa habang nakatakda naman ang pagtatapos ng pagdiriwang sa ika – 29 ng Setyembre na gaganapin sa Archdiocese ng Cagayan de Oro.
Patuloy ang paalala ng Simbahang Katolika sa mananampalataya na maging kaisa sa Simbahan sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos lalo’t laganap ang fake news at maling impormasyon sa lipunan.