380 total views
Ang mahirap at masakit na karanasang epekto ng man-made o natural na kalamidad ay isa lamang mga pagsubok sa katatagan ng pananalig at pananampalataya ng tao sa Panginoon.
Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Marc Granflor – Social Action Director ng Archdiocese of Capiz kaugnay sa ika-apat na taong ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda at ang kasalukuyang dinaranas ng mga mamamayan ng Marawi City.
Pagbabahagi ng Pari, ang kanilang naranasan mula sa itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa ay nag-iwan ng isang aral ng pagkakaisa at matatag na pananampalataya na maaari nilang maibahagi sa mga residente ng Marawi na lubos na naapektuhan ng digmaan.
Ipinaliwanag ni Father Granflor na ang pag-asa sa puso ng bawat isa ay hindi dapat na mawala sapagkat ito ang makapagbibigay ng lakas upang patuloy bumangon mula sa anumang mga sitwasyon.
“Ang masalimuot siguro na experiences that we experience because of man-made or yung iba ay mga disasters, isa lang ito sa mga trials na dumadating sa buhay natin and this is also a test of our faith. The test of our faith that would mean huwag po tayong mawalan ng pag-asa because God will always be there, yung pangunahing gagawin po is pakikiisa sa kapwa tao at yung kailangan din po is manalangin po tayo for each one especially for God’s strength and graces that we can sustain even in the most difficult moment in our life God will always be there to help us. We hope and we pray for God strength specially as we are praying for Marawi” pahayag ni Father Granflor sa Radio Veritas
Isa ang Archdiocese of Capiz sa mga nagnanais na makatulong sa rehabilitasyon at muling pagbangon ng mga mamamayan ng Marawi City kung saan una nang nakapagpaabot ng 400,000-tulong pinansyal ang arkidiyosesis bukod pa sa nasa 400,000 na halaga ng donations in-kind tulad ng food packs, hygiene kits at psychosocial kits para sa mga residente.
Inihayag ni Father Granflor na bilang dating biktima ng Super Typhoon Yolanda ay ramdam ng mga mananampalataya mula sa Archdiocese ng Capiz ang nararamdamang pangamba at kawalang katiyakan ng mga residente ng Marawi.
Tiniyak ng Pari ang kanilang tulong, suporta at pananalangin para sa mga residente.
“Inaanyayahan ko po kayo na share your blessings the blessings that we have is from God so dapat po naman siguro na mag-share po tayo kasi if we are happy that God is so gracious with us then we would be happy also to share those blessings to those in need and yan po ay complete na pagbabahagi ng ating faith to our brothers and sisters especially those in Marawi po…” dagdag pa ng pari.