2,121 total views
Isulong ang pagkakaisa ng mga laiko, kawani at bumbuo ng simbahang katolika upang mapaigting ang pagtulong sa mga mahihirap.
Ito ang buod ng mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa idinadaos na Synodal Conference ng Caritas Manila.
Ayon sa Obispo, katulad ng salitang Sinodo, nawa ay magsama sama ang bawat mananamapalataya upang mapaigiting ang pagtulong sa mahihirap at maitaas ang ang antas ng kanilang pamumuhay.
“Maganda naman at maraming mga dumalo sa ating synod conference ngayon sa Caritas Manila, at yun po’y kailangan talaga natin ng Synod ngayon sa ating pagkilos para sama-sama tayo, sabay sabay tayong kumilos at sana ito yung makuha nilang message, na paano pa natin mapaigtin ang ating sama-samang pagkilos para sa mga mahihirap,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.
Tiniyak naman ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Social Arm ng Arkidiyosesis ng Maynila, na patuloy na isusulong ang papapabuti sa kapakanan at antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Ayon pa sa Pari, sa tulong ng gawain ay higit napalalim ang kaalaman ng mga nangangasiwa ng mga SSDM kung kaya’t inaasahan na mapaigting ang inisyatibong itataas ang antas at kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Tiwala din si Father Pascual na sa bisa ng Synodality Conference na higit pang mapupukaw ang kaisipan ng mga kabataang nakiisa sa gawain na inaasahang hahalili sa mga kasalukuyang tagapangasiwa ng mga SSDM upang paglingkuran ang simbahan at ang mga mahihirap.
“Kasi ang Synodality ay sama samang paglalakbay patungo sa Diyos, ngunit hindi lahat nakakasabay, may napagiiwanan ito nga yung mahihirap, walang trabaho, walang pamasahe, malnourished, walang tahanan, may sakit kaya’t bahagi ng synodality, ang challenge na ating mahalin ang mahihirap dahil sa Panginoon,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.
Sa ikalawang pagdaraos ng Synodality Conference ng Caritas Manila matapos pangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang unang gawain noong August 12 ay umabot naman sa 400 ang mga dumalo sa gawain noong August 21.
Layunin ng gawain mapalalim ang kaalaman ng mga Dumalong Volunteers at tagapangasia Parochial Social Services Development Ministry ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.