895 total views
Ito ang panawagan ni Philippine Ambassador to the Holy See Mercedes Tuason.
Ayon kay Ambassador Tuason, hindi dapat magdulot ng pagkakahati-hati ang magkakaibang paniniwala at pananampalataya sa mga Filipino.
Iginiit ni Ambassador Tuason na walang kinikilingan at pantay-pantay ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan babae man o lalake, bata man o matanda at maging makasalanan man o hindi na dapat pamarisan ng bawat isa.
“Love one another as I have love you”, walang awayan even if you have different faith or different religion or different standards we have to love one another because God loves us with all our sins so we have to do the same…”pahayag ni Ambassador Tuason sa panayam ng Veritas Patrol.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA noong 2011, may limang pangunahing relihiyon sa bansa kung saan tinatayang 82.9 na porsiyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ay mga Katoliko; 5.4 na porsiyento ang mga Protestante; 4.6 na porsiyento ang mga Muslim; habang may higit sa 2-porsiyento naman ang bahagi ng Philippine Independent Church at Iglesia ni Cristo.
Unang binigyang diin ni Pope Francis na walang anumang relihiyon ang nagtuturo ng karahasan at pagdudulot ng kapahamakan sa kapwa.
Giit ni Pope Francis, hindi karahasan ang tugon sa hindi pagkakaunawaan sa halip ay ang mapayapa at demokratikong pamamaraan na pagdadayalog.