14,570 total views
Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mamamayan ng Indonesia na patuloy itaguyod ang pagkakapatiran sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mamamayan.
Tinuran ng santo papa ang kristiyanong arkitekto na nagdisenyo sa Istiqlal Mosque na tanda ng pagiging lugar ng pag-uusap ang mga bahay dalanginan.
Binigyang diin ni Pope Francis ang pagiging ‘diverse’ng Indonesia na bagamat minorya lamang ang mga katoliko ay patuloy na naisasabuhay ang pagkakapatiran ng mamamayan.
“This testifies to the fact that throughout the history of this nation and in the very fabric of its culture, the Mosque, like other places of worship, are spaces of dialogue, mutual respect and harmonious coexistence between religions and different spiritual sensibilities. This is a great gift that you are called to cultivate every day, so that religious experiences may be reference points for a fraternal and peaceful society and never reasons for close-mindedness or confrontation,” pahayag ni Pope Francis sa pagbisita sa Istiqlal Mosque.
Tinukoy din ng santo papa ang ‘tunnel of friendship’ na nagkokonekta sa pinakamalaking mosque sa Asya at sa Cathedral of Our Lady of the Assumption sa Jakarta na sagisag ng pagkakaisa ng mamamayan bagamat magkakaiba ng paniniwala.
Hamon ni Pope Francis sa Indonesia na paigtingin ang pakikipagkapwa at magkaisang isulong ang pag-unlad.
Apela din nito sa mga humigit kumulang 100, 000 dumalo sa papal mass na magtulungang ipalaganap ang diwa ng pag-ibig upang makamit ang tunay na kapayapaan sa sanlibutan.
“I encourage you to sow seeds of love, confidently tread the path of dialogue, continue to show your goodness and kindness…be builders of unity and peace,” saad ng santo papa.
Bukod kay Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle na kasalukuyang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization dumalo rin sa pagtitipon sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, at, Sorsogon Bishop Jose Allan Dialogo.
Kasalukuyang isinasagawa ni Pope Francis ang 45th Apostolic Visit sa Asia Ocenia ang pinakamahabang apostolic journey sa loob ng isang dekadang pagpapastol ng santo papa sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo.