5 total views
Inanunsyo ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng Missionary of Mercy ng kanilang diyosesis.
Ayon sa Obispo, inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingang magtalaga ng missionary of mercy na may natatanging misyong higit maipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan.
Sa liham mula kay Dicastery for Evangelization Pro-Prefect of the Section of Evangelization Archbishop Rino Fisichella, pormal na itinalaga si Fr. Charles Allan Nemenzo, DCK bilang missionary of mercy ng Kidapawan.
Ikinalugod ni Bishop Bagaforo ang pagkahirang ng pari bilang missionary of mercy na maging katuwang ng simbahan sa paggawad ng kapatawaran sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal.
“I am glad to announce that Rev. Fr. Charles Allan Nemenzo, DCK has been granted the special designation as Missionary of Mercy by the Holy Father…thereby granting him the special faculty of absolving “reserved sins”,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Matatandaang noong 2016 sa pagdiriwang ng Year of Mercy ay nagtalaga si Pope Francis ng mahigit 1, 000 Missionaries of Mercy sa buong mundo kabilang na ang apat na Pilipino na sina Fr. Andres Ma. Rañoa, OFM, Fr. Pedro Roberto Manansala, OFM, Fr. Jerome Ponce, OFM, at Fr. Jose Litigio, OFM.
Taong 2020 nang muling magtalaga ang santo papa ng Filipino missionary of mercy na sina Fr. Prospero Tenorio at Fr. Nap Baltazar ng Diocese of Malolos at pawang nangangasiwa sa Divine Mercy Philippines habang apat naman mula sa Archdiocese of Lingayen Dagupan na sina Fr. Allan Morris Abuan, Fr. Danille Chad Pescon, Fr. Matt Jason Molina, at Fr. Roy Joel Rosal.
Gayundin ang mga pari mula sa Diocese of Balanga sa Bataan na sina Fr. Jhoen Buenaventura, Fr. Joseph Quicho at Fr. Jesus Navoa.