177 total views
Tagumpay para sa mga Kristiyano na may pagpapahalaga sa buhay ang pagkapanalo ni Donald Trump bilang ika-45 pangulo ng Estados Unidos.
Ayon kay Economics Prof. at financial analyst Gary Olivar, bilang isang katoliko para sa kanya, pinakamalaking usapin sa pagkapanalo ni Trump ang ipinangako nitong religious freedom gaya ng pagtutol nito sa aborsyon, same sex marriage at iba pang anti-life activities.
Pahayag ni Olivar, mas maigi ng si Trump ang nanalo kaysa kay Hillary Clinton na hayagan ang pangangampanya ng aborsyon noong Secretary of State pa ito gaya ng pamamahagi ng pondo kapalit ang implementasyon ng kanyang mga proyekto.
“Para sa akin mainam ng si Trump he promise religious freedom, ititigil ang pagbatikos at pag-ipit ng Obama administration for 8 years sa catholic church sa America, he is oppose to abortion, same sex para sa akin yun ang pinakamalaking kalalabasan nito, dapat nating ikatuwa na si Trump won, I am speaking as catholic , instead of somebody like Hillary na nung secretary of state pinipilit na niya ang kanyang agenda sa abortion, same sex, in fact kapalit ng foreign aid na ibinibigay niya kailangan mag-implement kayo nito etc., yan po para sa akin ang pinakamalaking danger, mabuti naibsan ito lets wait and see. I think he will change and at the end of the day he is a practical businessman he is not a politician, sana mas maging responsive siya sa mga reality,” pahayag ni Olivar sa panayam ng Radio Veritas.