Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkasira ng Daguma Mountain range, ikinalulungkot ng Diocese of Marbel

SHARE THE TRUTH

 1,891 total views

Labis na ikinalungkot ng Diyosesis ng Marbel ang kinahinatnan ng bundok sa bahagi ng Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato dahil sa patuloy na pagmimina sa lugar.
Tinukoy sa facebook post ng Marbel Social Action Center ang Daguma Mountain Range na nawala na ang likas na ganda dahil sa tinamong pinsala mula sa operasyon ng coal mining.
Pinangangambahan ito ng mga residente ng Brgy. Ned dahil magbubunsod ito sa mas malaking pinsala mula sa iba’t ibang sakuna tulad ng mga bagyo.
“The beautiful mountain blessed with fertile soil suitable for farming, now turned into a caldera of suffocating dust tilled by huge mining equipment. This update shows that we are now vulnerable to disasters that might put many lives in great danger and destroy our livelihoods,” ayon sa SAC Marbel.
Nauunawaan ng social arm ng Diyosesis ng Marbel na ang pagmimina ay paraan upang makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng South Cotabato at ng Pilipinas, ngunit hindi pa rin ito katanggap-tanggap dahil sa pinsalang iniiwan nito sa kalikasan.
Ang nasabing coal mining project ay hawak ng San Miguel Energy Corporation na saklaw ang nasa 17-libong ektarya ng kabundukan, at inaasahang makakapagmina ng nasa 180-milyong metriko toneladang karbon.
Una nang nabahala si Marbel Social Action Director Fr. Jerome Millan at sinabing buburahin ng mapaminsalang proyekto ang malawak na sakahan, watershed, at magdudulot ng malawakang pagbaha sa Mindanao.
Iginiit naman ng diyosesis na ang kasakiman para sa panandaliang pakikinabang ang mas naghahantong sa pangmatagalang pinsala at pagdurusa ng mga apektado.
“It is disheartening to witness that these actions go against our collective efforts to preserve and safeguard our environment,” saad ng SAC Marbel.
Gayunman, hinimok nito ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang Season of Creation nang may pag-asang mapipigilan ang mapaminsalang paraan ng pag-unlad tulad ng coal mining sa South Cotabato tungo sa kapakanan ng bawat isa at nang mga susunod pang henerasyon.
Ang Daguma Mountain Range ay ang watershed source ng Allah River, isa sa mga pinakamalaking river system ng Mindanao at pangunahing pinanggagalingan ng patubig para sa irigasyon ng mga sakahan.
Tinatayang aabot naman sa higit 54-libong ektaryang sakahan sa Allah Valley ang maaapektuhan ng coal mining.
Una na ring hinamon ni Marbel Bishop Cerilo Alan Casicas ang pamahalaan na muling pag-isipan ang desisyon sa pagpapahintulot sa mga mapaminsalang proyekto sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 22,342 total views

 22,342 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 33,417 total views

 33,417 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 39,750 total views

 39,750 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 44,364 total views

 44,364 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 45,925 total views

 45,925 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, kinatawan sa COP29 summit

 733 total views

 733 total views Magsisilbing kinatawan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP29 Summit na magsisimula ngayong araw November 11 hanggang 22, 2024 sa Baku City, Azerbaijan. Ayon kay Bishop Alminaza, na siya ring vice president ng Caritas Philippines, ang kanyang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo ng Virac, umapela ng dasal

 1,661 total views

 1,661 total views Umapela si Virac Bishop Luisito Occiano sa mga pari at mananampalataya ng diyosesis na magkaisa sa pananalangin habang papalapit sa bansa ang Bagyong Nika. Labis na nag-aalala si Bishop Occiano sa posibleng epekto ng bagyo sa lalawigan at mga tao, kaya’t binigyang-diin niya ang pangangailangan ng sama-samang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

 2,490 total views

 2,490 total views Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas. Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“Extraordinary jubilee mass” kay St.Miguel Febres Cordero, pangungunahan ng Papal Nuncio

 2,656 total views

 2,656 total views Inaanyayahan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) ang mga mananampalataya na makibahagi sa Extraordinary Jubilee Holy Mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown. Ito’y bilang parangal sa ika-170 kaarawan at ika-40 anibersaryo ng kanonisasyon ni Saint Miguel Febres Cordero, ang kauna-unahang santo mula sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tuluyang pagbabawal sa paggawa at pagbibenta ng paputok, hiniling ng BAN Toxics

 3,799 total views

 3,799 total views Umaapela ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pamahalaan kaugnay ng maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa mga pamilihan. Ayon kay Thony Dizon, campaign and advocacy officer ng grupo, hinihikayat nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na suportahan at ipag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipatigil ang lahat ng mining project, hamon ng ATM sa pamahalaan

 4,183 total views

 4,183 total views Nananawagan sa pamahalaan ang Alyansa Tigil Mina na ihinto na ang mga mining project sa Pilipinas dahil pinapalala lamang nito ang pinsalang dala ng mga sakunang dumadaan sa bansa. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, patuloy na lumalakas at dumadalas ang epekto ng mga bagyo sa bansa dahil sa climate change. Iginiit

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Throw-away culture sa mga sementeryo, pinuna ng EcoWaste Coalition

 4,596 total views

 4,596 total views Pinuna ng EcoWaste Coalition ang mga iniwang basura ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong nagdaang Undas. Sa pagbisita ng Basura Patrollers ng grupo sa 29 pampubliko at pribadong sementeryo sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bataan, Bulacan, at Pampanga, bumungad ang mga umaapaw at magkakahalong basura. Ayon

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

 5,797 total views

 5,797 total views Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

 4,520 total views

 4,520 total views Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa. Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay. Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

 4,861 total views

 4,861 total views Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas. Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

 4,843 total views

 4,843 total views Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan. Sinabi ni Archbishop

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

UNDAS, isang pag-alala at pagpaparangal

 4,898 total views

 4,898 total views Ipinaalala ni San Pablo Bishop-designate Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang kahalagahan ng pagpaparangal at pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, gayundin sa mga santong namuhay nang may kabanalan. Ito ang mensahe ni Bishop Maralit kaugnay sa paggunita sa Undas ngayong taon—ang All Saints’ Day o Araw ng mga Banal sa November 1

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Exorcist Priests, tampok sa UNDAS special programing ng Radio Veritas

 5,208 total views

 5,208 total views Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon. Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nakiisa sa mapayapa at maayos na UNDAS 2024

 6,615 total views

 6,615 total views Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mapayapa at maayos na paggunita ng Undas ngayong taon. Kasabay ng pag-alala at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan ng mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang publiko na maging maingat laban sa mga mapagsamantalang maaaring samantalahin

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Patuloy na panalangin, tulong sa mga nasalanta sa Batangas panawagan ni Archbishop Garcera

 7,184 total views

 7,184 total views Nananawagan ng tulong at panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas. Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makapagbigay ng pag-asa sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang sakuna. “Ako po’y patuloy na nagdarasal para sa ating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top