191 total views
Unang hakbang para wakasan ang karahasan na dulot ng pang-uusig dahil sa pananampalataya.
Ito ang inihayag ni Jonathan Luciano, national director Aid to the Church in Need (ACN) Philippines sa pagdedeklara ng United Nation sa ika-22 ng Agosto bilang World Day for Victims of Religious Persecution.
“Finally na-recongnize na nila (UN) na mayroong ganitong problema na they exist, itong problema ng violence based on religion. Ang because of this recognition finally we can take a first step towards…maghanap tayo ng solusyon sa problemang ito. Ang unang hakbang ay to recognize na there is a problem,”pahayag ni Luciano sa Radio Veritas
Pinuri ni Luciano ang unang pagkakataon na paggunita sa mga inuusig base sa pagkilala ng U-N.
Nilinaw ni Luciano na ang pagkilala na mayroong ganitong suliranin ay isang hakbang para sa sama-samang pagtugon ng bawat bansa sa ganitong uri ng karahasan na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo hindi lamang ng mga kristiyano kundi maging ang iba pang pananampalataya.
Iginiit ni Luciano na isa itong pagkakataon para ipaalala sa bawat bansa na bigyang pangangalaga ang bawat mamamayan sa kanilang kalayaan sa pagsamba.
“This is the right step forward, sana nga itong araw ito (Aug.22) ay maremind ang mga bansa, especially ang United Nations kasi duty ito ng mga bansa to protect their citizens from religious persecution and to assure them of religious freedom,” dagdag pa ni Luciano
Sa inilabas na Religious Freedom Report, nanatiling ang mga Kristiyano ang pinaka-nakakaranas ng pag-uusig sa may 35 bansa o katumbas ng isa sa bawat limang kristiyano.
Ang Aid to Church in Need-ay isang Catholic aid organization at kinilala bilang pontifical foundation ng Vatican noong 2011 na tumutulong sa mga inuusig na kristiyano sa loob ng 70 taon.
Ang ACN ay itinatag noong 1947 sa Germany at may 23 tanggapan sa 140 mga bansa kabilang na ang Pilipinas.
Kamakailan lamang nakatanggap ng ulat ang pulisya hinggil sa banta ng terorismo sa Northern Luzon na target ang mga kilalang simbahan.
Sa isa pang pag-aaral ng Pew Research Center, ang mga Kristiyano ang nangungunang relihiyon na nakakaranas ng pang-uusig at karahasan dahil sa kanilang pananampalataya mula sa 144 na bansa sa nakalipas na higit sa isang daang taon.
Isang paraan din ng ACN ang pagbibigay ng kamalayan sa publiko kaugnay sa karahasan dahil sa pananampalataya at paninindigan ay ang pagdiriwang ng Red Wednesday tuwing Nobyembre.