Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkilala sa dignidad ng mga manggagawa, panawagan ng CWS sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 14,598 total views

Nananawagan ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa pamahalaan na kilalanin ang dignidad at karapatang pantao ng mga manggagawa sa paggunita ng International Human Rights Day.

Tinukoy ni CWS Nnational chairman at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang patuloy na paniniil ng mga employer sa karapatan ng mga manggagawa.

Inihayag ni Bishop Alminaza ang kawalan ng proteksyon ng mga manggagawa sa malayang pag-organisa ng unyon na magsusulong ng kanilang karapatan at kapakanan sa trabaho na ipinagsasawalang bahala ng mga employer.

Ikinabahala din ng Obispo ang patuloy ng kontrakwalisasyon kung saan walang security of tenure ang isang manggagawa gayundin ang problema sa hindi tamang pasahod at hindi pagbibigay ng kaukulang benepisyo.

Tiniyak naman ng Obispo sa mga manggagawang Pilipino ang suporta at pagtatanggol sa kanilang karapatan laban sa mga mapaniil na employer.

“Our celebration of International Human Rights Day can only be meaningful if we reach out and connect to build strong social movements that stand up for workers’ rights. Together with the church people and the basic sectors, CWS commits itself to continue to defend the God-given rights of Filipino workers. We vow to continue to develop various means of initiatives and practical actions that will empower workers and communities,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Binigyan diin ni Bishop Alminaza na makakamit lamang ng mga manggagawa ang social justice kung matutugunan ng kasalukuyang pamahalaan ang nararanasang injustice sa lugar ng paggawa at mapawalang bisa ang mga anti-labor policies na pabor lamang sa mga employer.

Nananawagan din ang Obispo sa mamamayan at gobyerno ng pakikiisa sa kapakanan ng mga manggagawa na malaki ang tulong sa pagpa-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“In the Philippines, these fundamental rights are being stifled by anti-labor policies such as contractualization, the rights of workers continue to be violated; their dignity and rights are under constant attack. Today, more than ever, there is an overwhelming task among church people and workers to uphold the principles of the UDHR and empower the workers to stand up for their rights. Human rights are a powerful force for good.Upholding human rights isn’t only about addressing present injustices; it’s about driving significant social change by reshaping unjust societies and empowering marginalized groups,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Tema ng International Human Rights Day 2024 ay “Our rights, our future, right now,”.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 55,805 total views

 55,805 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 65,804 total views

 65,804 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 72,816 total views

 72,816 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 82,503 total views

 82,503 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 115,951 total views

 115,951 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 3,284 total views

 3,284 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 4,580 total views

 4,580 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top