Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkilos ng mga kabataan para sa pagbabago, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 8,512 total views

Pinuri ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga kabataang makibahagi sa misyon ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para matiyak ang clean, honest, accurate, meaningful and peaceful 2025 midterm national and local elections.

Ayon sa Obispo, bukod sa magandang halimbawa at pagsisikap ng mga kabataan ito rin ay paghahayag ng pag-ibig sa simbahan at sa bayan.

Tiniyak ni Bishop Uy na kaisa ng kabataan ang buong simbahan sa pagsusulong ng misyon na dinggin ang tawag ng Panginoon sa paglilingkod sa kapwa tulad ng mga gawain tuwing halalan kung saan iluluklok ng mamamayan ang mga lider na mamumuno sa bayan.

“As you engage in this vital work, remember that you are not alone. You are part of a larger mission that seeks to honor God’s call to serve others. Each act of kindness, each moment of patience, and each step taken toward fostering a fair electoral process is a testament to your faith in action. Even when faced with obstacles, continue to believe in the goodness of your efforts. Trust that your contributions, no matter how small they may seem, are significant in the eyes of God,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Sinabi ni Bishop Uy na ang kahandaang kumilos ng kabataan sa pamamagitan ng pagiging volunteer ng PPCRV ay nagpapakita ng pagnanais na gumawa ng pagbabago sa lipunan na sumasalamin sa tunay na diwa ng pag-asa.

“You are the light that shines in the darkness, reminding us all that integrity and justice can prevail when we stand together for what is right. Your efforts play a crucial role in upholding the values of democracy and ensuring that every voice is heard,” dagdag pa ni Bishop Uy.

Naunang nanawagan ang PPCRV ng karagdagan pang mga volunteers na tutulong sa pagbabantay sa eleksyon sa May 12 kung saan hinimok ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan na mkipag-ugnayan sa kanilang mga parokya para magpatala.

Sa datos naman ng Commission on Elections sa halos 70-milyong botante ngayong midterm election 63 porsyento rito ay mga kabataan.

Pinkamalaking bilang ng voting population age ay mula sa mga Millenials na ipinanganak sa pagitan ng 1981 hanggang 1996 na naitala sa 25.94 million o 34 na porsyento habang ang Gen Z naman o mga ipinanganak sa pagitan ng 1997 hanggang 2007 ay naitala sa 21.87 million o halos 29 na porsyento.

Apela ni Bishop Uy sa mga kabataan na patuloy magsumikap para sa ikabubuti ng bayan para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

“As you proceed with your invaluable work, hold on to your passion and enthusiasm. Encourage one another to persevere, and remember that the journey may be challenging, but the fruits of your labor will yield a bountiful harvest for generations to come,” dagdag ng obispo.

Sa kasalukkuyan nagpapatuloy ang mga pagsasanay na isinasagawa ng mga PPCRV Volunteers ng Diocese of Tagbilaran na handang maglingkod sa mga poliing precinctsa 2025 midterm national and local elections.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 46,633 total views

 46,633 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 56,632 total views

 56,632 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 63,644 total views

 63,644 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 73,374 total views

 73,374 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 106,823 total views

 106,823 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top