1,538 total views
Kinikilala ng Commission on Human Rights ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sa kabila nito, nanindigan ang Kumisyon na hindi mabubura ng naturang desisyon ang lahat ng mga paglabag sa karapatang pantao noong Martial Law at pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Ayon sa CHR, maliwanag na labag sa batas ang naturang hakbang lalo’t maraming human rights violation ang nalabag ng dating Pangulo na hindi lamang nasasaad sa ating Philippine Constitution kundi maging sa international Law.
“The Commission acknowledges the Honorable Supreme Court’s considered decision to resolve the specific controversy that had been brought to it with the majority having opted to lean on this matter in favor of executive discretion—we nonetheless affirm that the same does not and cannot erase the unconverted fact of impunity for human rights violations committed during Martial Law that continues to demand justice, as has also been previously adjudicated and resolved with finality by the Honorable Supreme Court itself in numerous cases…” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng Commission on Human Rights.
Dahil nga dito, nanawagan rin ang CHR sa mga mamamayan na maging mapagmatyag upang hindi na muling maulit pa ang madilim na pang-aabuso at paglapastangan ng pamahalaan sa karapatan ng taumbayan tulad noong panahon ng martial law.
“The Commission believes that the Filipino people shall remain steadfast in asserting all their fundamental rights and they will demand that freedom, rule of law, and democracy must be protected and guaranteed at all times…” panawagan ng CHR.
Sa tala sa ilalim ng Batas Militar na nagsimula noong 1972, tinatayang aabot sa higit 3,200 ang pinaslang, 34,000 ang na-torture habang higit sa 70,000 naman ang ikinulong dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos.
Bukod dito, nasa P100 milyon kada araw ang nawawala sa pera ng bayan dahil sa laganap na katiwalian sa ilalim ng pamamahala ng Marcos Administration batay sa isinagawang pagsisiyasat ng Office of the Ombudsman noong 1988.
Samantala, nauna ng iginiit ng CBCP na hindi tamang bigyang parangal at ituring na bayani ang dating Pangulong Marcos dahil sa malaking kapinsalaang idinulot ng kanyang Administrasyon sa buong bayan partikular na ang mga paglabag sa karapatang pantao at katiwalian sa kaban ng bayan.