209 total views
‘Maituturing na yaman ng bansa ang paglago ng populasyon.’
Ito ang pahayag ni Gilbert Llanto, presidente ng Philippines Institute for Development Studies (PIDS) sa 100.98 milyon na ang mga Pilipino batay sa huling census noong August 2015 na isinagawa ng Philippines Statistic Autority o PSA.
Ayon kay Llanto, positibo ang ganitong pagsusuri upang mas lalo pang mapadami ang serbisyo at trabaho sa bansa at mapataas pa ang 6.9 percent na antas ng ekonomiya ng bansa na naitala sa unang quarter ng 2016.
“Positively kailangan mo ng population growth to sustain our economy walang replacement ng generation were talking of economy that is dying. Parang what is happening in Japan na mabilis yung pagtanda ng mga tao walang ng bagong bata, bagong henerasyon that is slowly dying kung lumalago ang populasyon ibig sabihin maganda rin yun dahil kailangan rin ng ekonomiya yun. Ngayon, dun rin magmumula yung circle growth mula dun sa population na yun,” bahagi ng pahayag ni Llanto sa panayam ng Veritas Patrol.
Kaugnay nito, iginiit ni Llanto na malaking problema pa rin ang istruktura ng bansa na hindi lumilikha ng trabaho sa lahat habang pinayayaman ang ilang mga negosyante at mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
“Ang problema lang sa negative side, kung wala kang maibigay na trabaho o opportunity dito sa mga bagong henerasyon, ‘yun ang problema. Ang sinasabi ng iba kontrolin mo ‘yung paglago ng populasyon. Pero para sa akin kontrolin mo kung papaano ma – increase ang economy mo na mag – create ka ng jobs in other words kailangan mo ng sinasabi ng ilang economists na structural transformation. Hindi maaaring ipakol mo lang yung iyong tingin sa isang variable ng population growth,” giit pa ni Llanto sa Radyo Veritas.
Batay naman sa POPCOM o Commission on Population, ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas noong Enero 13, 2016 ay 102.4 milyon.
Napabilang ang Pilipinas na “Ika-labintatlong bansa na may pinakamalaking populasyon sa buong mundo.”
Katuruan ng Simbahang Katolika na huwag kontrolin ang populasyon sa halip bigyang pagkakataon ang mga sanggol sa sinapupunan na mabuhay at tiyakin na sila ay mapapangalagaan para na rin sa kinabukasan ng buong mundo.