492 total views
Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na ang paglalagay ng abo sa noo ay tanda ng dakilang pag-ibig ng Panginoon.
Paliwanag ng cardinal ito ay pagbibigay pag-asa sa sangkatauhan na handang magbalik-loob sa kabila ng pagkakasadlak sa kasalanan.
“The ashes are imposed by making the sign of the cross to remind us that even if we are sinners, there is hope because we have been redeemed by Christ through his life-giving death on the cross,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.
Ito ang mensahe ng arsobispo sa paggunita ng simbahang katolika sa Miyerkules ng Abo sa March 2 bilang hudyat ng pagsisimula sa 40-araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon.
Sinabi ni Cardinal Advincula na ito ay paalala sa sangkatauhan na ang kuwaresma ay hinati sa dalawang mahalagang katangian ng pagdiriwang ang ‘penitential at bapstismal’.
Hinikayat ng cardinal ang mananampalataya na mag-ayuno sa 40 araw ng kuwaresma at paigtingin ang pananalangin tanda ng pagbabalik loob sa Diyos.
“The forty days of Lent spent in prayer and penance indicates that a Christian should spend his lifetime in prayer and fasting from evil. There was a time when Lent was period of preparing public penitents for reconciliation. The Lenten season was observed by all the faithful fasting almsgiving, and prayers,” dagdag ng cardinal.
Ibinahagi ng opisyal na ito rin ang panahon ng paghahanda sa’ catechumens’ na ginagamit sa mga sakramento ng simbahan tulad ng binyag.
Sinabi nitong sa sakramento ng binyag nakiisa ang tao sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus kung saan ang pagpapako nito sa krus ay upang protektahan ang tao mula sa kasamaan batay na rin sa pahayag ni San Ambrosio.
“Let the nail of Christ hold you and let not human infirmity pull you back,” ani ng arsobispo.
Paalala ni Cardinal Advincula na ipinapakita sa pagsunog ng mga lumang palaspas na gagamitin sa Ash Wednesday na lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan at paalalala ng pagiging makasalanan ng tao kaya’t inaanyayahan ang lahat na talikuran ang kasamaan at magbalik-loob sa Diyos.
“The ashes come from burned old palms reminding us that “all earthly glory fades.” The ashes tell us that we are sinners; that there is evil and darkness in the world because there is evil and darkness in our hearts,” sinabi ni Cardinal Advincula.
Samantala, nakiisa rin ang arsobispo sa panawagan ni Pope Francis na ‘Araw ng Pananalangin at Pag-ayuno’ sa Ash Wednesday bilang pakikiisa at panawagan ng kapayapaan sa Ukraine.
Una nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mananampalataya na ipanalangin ang pagkakasundo ng mga lider ng Russia at Ukraine upang matamo ang pagkakaisa at mapigilang lumala ang tensyon ng dalawang bansa.