335 total views
Kinundina ng Aid to the Church in Need ang naganap na paglapastangan sa dalawang kapilya ng Prelatura ng Isabela de Basilan noong ika-17 ng Pebrero.
Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano, nakalulungkot ang naganap na insidente sa Lamitan City, Basilan lalo na’t naganap ito sa mismong araw ng Miyerkules ng Abo na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.
Ibinahagi ni Luciano na isa ang Prelatura ng Isabela de Basilan sa mga katuwang ng A-C-N Philippines sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa rehiyon ng Mindanao sa pamamagitan ng mga gawaing pastoral at pakikipagdayalogo sa iba’t ibang mga relihiyon at denominasyon.
“We are quite distressed with the news of vandalism that happened in 2 barangay chapels in the Prelature of Basilan especially it happened on a very holy day for us Catholics. We have been partners with the prelature for a long time and we have been supporting their evangelization and pastoral efforts especially dialogue with other religions.”pahayag ni Luciano sa panayam sa Radio Veritas.
Umaasa naman ang A-C-N Philippines na higit na manaig ang pagmamahalan, pag-uunawaan at pagkakaisa lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma upang hindi na muling maulit pa ang naganap na insidente.
Ipinapanalangin din ni Luciano na hipuin ng Panginoon ang puso ng mga salarin upang manaig sa kanilang buhay ang pag-ibig, kapayapaan at paggalang sa paniniwala at pananampalataya ng kapwa.
“We pray for love, understanding and tolerance especially in this season of Lent and that this incident will not happen again. May the Lord touch the hearts of the perpetrators. And we pray for love and peace to prevail.” Dagdag pa ni Luciano.
Samantala, nanawagan naman ng patuloy na pagkakaisa si Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Leo Dalmao upang sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga pananampalataya at pananw ay manaig ang pagkakasundo at pagkakapatiran.
Read: https://www.veritas846.ph/sa-kabila-ng-paglapastangan-sa-2-kapilya-obispo-ng-basilan-naniwalang-makakamtan-ang-kapayapaan/
Ika-17 ng Pebrero ng matuklasan ng mga mananampalataya ang mga sirang imahen ng mga santo sa San Isidro Labrador chapel sa Sta. Clara, Lamitan City at San Antonio De Padua chapel sa Little Cebu, Barangay Maganda, Lamitan City.