197 total views
Hinimok ng isang Mindanao Bishop ang sambayanang Filipino na gawing inspirasyon ang EDSA people power 1 noong 1986 sa pagkamit ng tunay na kalayaan.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, isang magandang regalo sa mga Filipino ang Edsa People Power o tinaguriang “bloodless revolution” sa pamamagitan ng mahal na birheng Maria na unti-unti nang nakakalimutan ng sambayanan.
Gayunman, 31-taon makalipas ang EDSA people power revolution ay napakarami pang dapat gawin ang mga Filipno upang tunay na maging Malaya.
Sinabi ni Bishop Cabantan na hindi pa rin nakakamtan ng Pilipinas ang “inclusive growth”, katarungan, kapayapaan, kalayaan mula sa takot at ecological justice.
“First is to thank God n the intercession of Our Lady of EDSA who helped us gain our freedom from the dictatorship and allowed truth to triumph on that snap election. But we still have a lot to do on our part to make our lives truly free and improve the quality of life for all especially in terms inclusive growth, justice and peace, ecological justice and freedom from fear.”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas
Ipinagdarasal ng Obispo na gawing gabay at inspirasyon ng mga Filipino ang “spirit ng edsa people power” sa pagsusulong ng kapayapaan sa lipunan sa pamamagitan ng pagmamahalan ng bawat isa.
“EDSA is a gift we should not put to oblivion but let it inspire us to work for peace founded on right relationship n love.”asam ng Obispo
Iginiit ni Bishop Cabantan na nakakasira sa spirit ng edsa people power ang pagbaligtad sa tunay na kasaysayan ng EDSA 1, ang kawalan ng paggalang sa buhay kasama na ang kalikasan.
“Trying to revise history does not show love of country, desecration of life including the environment.”dagdag pahayag ni Bishop Cabantan
Magugunitang ang Radio Veritas 846 ay may pinakamahalagang papel sa matagumpay na EDSA People Power 1 revolution at pagpapatalsik sa puwesto kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Read: http://cmfr-phil.org/media-ethics-responsibility/ethics/the-truth-shall-set-us-free-the-role-of-church-owned-radio-stations-in-the-philippines/