146 total views
Nagpahayag ng respeto at pagkilala sa Martial Law Victims at maging sa mga tagasuporta ng pamilya Marcos si Military Ordinariate Bishop Leopoldo Tumulak – Chairman, CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care kaugnay sa naganap na paghihimlay sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngayon.
Ayon sa Obispo, kapwa may mga dahilan at pinanggagalingan ang magkabilang panig sa pagsusulong ng kanilang mga ipinaglalaban na nararapat kilalanin at respetuhin ng bawat isa.
Dahil dito, umaasa si Bishop Tumulak na magkakaroon ng dayalogo upang mapayapang maresolba at matuldukan ang naturang usapin.
“I respect the people na laban sa paglibing ni President Marcos sa (Libingan ng mga Bayani) at I also respect the desire of Marcos people to have him be buried in Libingan ng mga Bayani, so I just pray that this can be resolve peacefully yun lang ang masasabi ko sa case na ito, I hope it will be resolve if the dialogue is on, I hope the dialogue is on because someday it will be resolve…” Ang bahagi ng pahayag ni Military Ordinariate Bishop Leopoldo Tumulak sa panayam sa Radio Veritas.
Ganap na alas-dose ng tanghali ngayong araw ay tuluyan ng naihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na ikinagulat sa marami dahil sa kagustuhan ng pamilya Marcos na maging pribado, payak at confidential ang serimonya ng paglibing sa dating Pangulo.
Kaugnay nga nito, 30-taon matapos na makamit ng bayan ang kalayaan sa ilalim ng 14 na taong Martial Law at diktadurya ng Rehimeng Marcos, ay tuluyan ng nailibing sa 103-ektaryang Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong diktador kasama ang nasa 49,000 sundalo, war veterans at mga itinuturing na martir o bayani ng bansa.