530 total views
Ang paglilingkod sa kapwa ay isang paraan ng pagbabahagi ng ebanghelyo. Ito ang binigyang diin ni Diocese of Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa pagtatapos ng New Evangelization Conference 2021 ng Live Christ Share Christ mission.
Ayon sa Obispo na siya ring Southwest Luzon Regional Representative ng CBCP, mula ng dumating ang pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas limang-daang taon na ang nakakalipas ay napakalawak na ng narating at naabot ng pagbabahagi ng ebanghelyo ng mga Filipino.
Partikular na tinukoy ni Bishop Vergara ang pagsisilbing misyunero ng mga Filipinong Obispo, Pari, religious men and women at maging mga layko hindi lamang sa mga malalayo at liblib na lugar sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa sa buong daigdig.
Pinasalamatan at kinilala rin ni Bishop Vergara ang mahalagang ambag ng mga Overseas Filipino Workers at ng bawat pamilya sa patuloy na pagpapalaganap ng ebanghelyo lalo na sa mga kabataan.
“Service is not only very real but reaches many places because we have many bishops, priests, religious and lay people coming from the Philippines serving different parts of the world. Who would ever think there would be Filipino Bishops in different parts of the globe before the first missionaries came to us, now we are sending missionaries and we are grateful to our lay missionaries especially Overseas Filipino Workers they are doing the service of the new evangelization and nothing but service is seen and felt in families.” pahayag ni Bishop Vergara.
Binigyang diin naman ng Obispo na maging sa gitna ng mga limitasyon na dulot ng pag-iingat mula sa COVID-19 virus ay maari pa ring patuloy na makapagbahagi ng ebanghelyo ang bawat isa.
Ipinaliwanag ni Bisgop Vergara na bukod sa cyberspace o online platform ay maaari ding patuloy na maibahagi ang ebanghelyo sa bawat isa sa tahanan at komunidad.
“We are in cyberspace you can go there and proclaim the faith, you can evangelize there be creative to do that, you can do your mission there and even if you are stuck in your home or office or community even though this quarantine and lockdown you can still go to the person next to you…” Dagdag pa ni Bishop Vergara.
Tema ng naganap na tatlong araw na online New Evangelization Conference 2021 ang “Gifted to Give by being a Light to the World” na naglalayong higit pang maipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano lalo na ngayong panahon ng pandemya bilang paggunita na rin sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas at pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng Live Christ Share Christ mission.