1,306 total views
Ang paglilingkod ang pinakadakilang paraan upang ipahayag ang pagmamahal sa Diyos at kapwa.
Ito ang Easter message ng NASSA/CARITAS Philippines bilang paggunita sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo mula sa dilim ng kamatayan upang tubusin ang kasalanan ng sanlibutan.
“As we celebrate Easter, we are reminded of the Passion and Death of our Lord and Savior Jesus Christ. But more importantly, we celebrate His rising from the dead,” mensahe ng Caritas Philippines.
Ayon sa social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, panawagan ng Easter Triduum ang pagsisisi, pagbabalik-loob at ang pagtitiwala.
Ang pagpapakasakit at pagkamatay ni Kristo ang naging daan upang mapagnilayan ng bawat mananampalataya ang pagsisisi sa mga nagawang kasalanan sa sarili at sa kapwa.
Gayundin ang pagbabalik-loob sa pananalig sa Panginoon at ang pagiging mapagkumbaba upang ganap na makamtan ang kapatawaran mula sa Diyos.
“We embark on a new journey toward God, without looking back. The good news is we are assured that when we seek Him with all our hearts, we are not only assured of finding Him but also of His forgiveness and acceptance,” ayon sa mensahe.
Iginiit pa ng Caritas Philippines na mahalaga ring mensahe ng Easter Triduum ang pagtitiwala sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na nagbibigay ng kalakasan upang ang bawat isa ay mamuhay nang may pananalig sa Diyos na ang dulot ay pag-ibig, katapatan, at katotohanan.