Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 405 total views

Homiliya Para sa Pag-Akyat sa Langit ng Panginoon, Ika-29 ng Mayo, Lukas 24:46-53

Ang linya tungkol sa pag-akyat ni Kristo sa langit ay isang importanteng detalye ng pananampalataya na ipinahahayag natin Linggo-linggo sa Misa, sa tuwing binibigkas natin ang Kredo o ang tinatawag na “apostles’ creed” sa Ingles. Ito ang pananampalatayang namana pa natin sa mga apostol.

At ang laging kasunod ng linyang “Umakyat siya sa Langit” ay “Naluluklok siya sa kanan ng Ama.” Iisa lang naman ang kahulugan ng dalawa. Mukhang kay San Lukas nanggaling ang linyang “Umakyat siya sa langit”, (Lk 24:51; Acts 1:9) at kay San Pablo naman sa ating ikalawang pagbasa ang linyang “naluluklok sa kanan ng Ama” (Eph 1:20), na galing naman sa Salmo 110:1.

Sa salitang Kapampangan, ang PAGLUKLOK at PAG-UPO ay pareho lang: “Luklok ka” (Maupo ka.) Pero sa Tagalog, ang PAGLUKLOK ay hindi lang ordinaryong pag-upo. May kinalaman ito sa pagkakapuwesto sa isang posisyon ng mataas na dangal at kapangyarihan. Mas malapit ito sa salitang “enthronement” sa Ingles. Mga tipong hari o matataas na opisyales ng gubyerno ang “INILULUKLOK”.

Kaya masagwang pakinggan na parang si Hesus baga ay basta na lang umakyat at lumuklok sa kanan ng Ama. Hindi ba, isa sa mga itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad ay kapag dumalo daw sila sa mga handaan, huwag daw silang basta-basta uupo sa luklukan ng mga panauhing pandangal? (Adelantado o presumido ang tawag natin sa ganoon. Mapapahiya ka aniya kapag sinabihan ka ng maybahay, “Hindi diyan ang lugar mo.”)

Sa Tagalog may tawag tayo sa mga taong nag-aangat ng sarili sa lipunan: “nagtataas ng sariling bangko. “ Kaya parang pakiramdam ko, mayroong hindi gaanong tama sa linyang binibigkas natin sa Kredo. Hindi naman sinabi ni San Lukas na “UMAKYAT sa langit si Hesus.” “INIAKYAT siya.” Hindi rin sinabi ni San Pablo na “LUMUKLOK siya sa kanan ng Ama“. Hindi niya itinaas o iniluklok ang sarili niya. “INILUKLOK siya ng Ama.”

Hindi nga ba’t napagsabihan pa nga ang magkapatid na Santiago at Juan nang minsa’y nag-ambisyon sila na “maluklok sa kanan at kaliwa ni Hesus” pagdating daw niya sa kanyang kaharian? Kapangyarihan pala ang hinihingi nila. Sa ating ebanghelyo, hindi ito hinihingi ni Kristo, kusang ibinibigay sa kanya ng Ama. Kaya sinabi niya kina Santiago at Juan, “Hindi ako, kundi ang Ama ang masusunod sa kung sino ba ang dapat maupo sa kaliwa o kanan niya” (Mk 10:40).

Narito ang pinakamahalagang punto tungkol sa kahulugan ng ipinagdiriwang nating kapistahan ngayon: “Walang umakyat sa langit maliban sa bumaba mula sa langit.” Ito rin ang sinabi ni Hesus kay Nicodemo sa Juan 3:13. At ang tinutukoy ni San Juan ay ang Anak ng Diyos na nagpakumbaba at naging Anak ng Tao. Dahil sa pagpapakumbaba ng Anak ng Diyos, naiangat ang dangal ng ating pagkatao. Dati kasi ay napakababa ng ating pagtingin sa ating pagkatao: marupok, makasalanan, palpak, dahil kay Adan. Kay Hesus meron na tayong bagong huwaran o modelo ng pagkatao na ayon sa orihinal na plano ng Diyos: taong mataas ang dangal—dahil kalarawan ng Diyos.

Kaya si Hesus ang para bang pinaka-bisagra ng kasaysayan (turning point of history). Binago niya ang kuwento ng tao mula nang niyakap niya ang ating pagkatao. Kaya siguro para sa ating mga Kristiyano, ang bawat taón mula nang nakapiling natin si Kristo dito sa mundo ay tinatawag na ANNO DOMINI, Year of the Lord, o Taon ng Panginoon. (Sa mga formal appointments ng mga pari sinusulat ang ganito: “signed on this 29th of May in the Year of the Lord, 2022). Ibig sabihin binago ni Hesus ang takbo ng kasaysayan ng tao.

Kaya dalawang importante at magkaugnay na aral ang dapat tandaan sa araw na ito. Una, ang “pag-akyat sa langit” ay pagtaas, ngunit hindi pagmamataas. Bakit? Dahil sinabi niya, “Ang nagmamataas ay ibababa.”

Ito naman talaga ang background ng ascension: ang pagbaba ng ating pagkatao dahil sa pagmamataas, dahil sa pagkahulog ng tao sa tukso na magkunwaring Diyos o magdiyos-diyosan. Ito kasi ang nangyayari kapag nahuhumaling ang tao sa makamundong kapangyarihan, kayamanan at katanyagan, ang tinatawag kong “Tatlong Delikadong K.” Noon siya nawawalan ng “Tatlong Tunay na K” sa mata ng Diyos—kabutihan, kagandahan, katotohanan—ang mga pundasyon ng tunay nating karangalan.

Kapag itinataas ng tao ang sarili niya sa kayabangan, ang ibinubunga nito ay K din, as in KASALANAN. Nalalayo siya o nawawalay sa Diyos. Imbes na tumaas, bumababa ang ating dangal. Ang pagmamataas ay nagpapababa sa ating pagkatao.

Ikalawang mahalagang punto: “Ang pagpapakumbaba ang nagpapataas sa ating pagkatao. “ Kaya pala sinabi ni Hesus kay Zaqueo, “BUMABA KA. “ Ito ang paraan ni Hesus. Alam kasi niya na ginagawang paraan ni Zaqueo ang pagpapakayaman upang tumaas siya sa lipunan at mapansin. Sabi ni San Lukas: sabik daw itong pandak na Zaqueo na makita si Hesus kaya umakyat siya sa puno ng sikomoro. Tiningala siya ni Hesus at sinabihan: Bumaba ka, makikikain ako sa bahay mo. Noon lang nasimulan ang tunay na pagtaas ng kanyang pagkatao: nang sabihin niyang, “Panginoon, kung may kinuha ako na hindi akin, isosoli ko ito nang makaapat na ulit.”

Ang “ascension” ay pagtataas ng Ama kay Kristo dahil sa kanyang pagpapakumbaba. Walang magtataas sa tao kundi ang Diyos mismo. Tulad ng nasabi ko sa simula, hindi natin dapat itaas ang ating sariling bangko. Pagyayabang iyon. Hindi ba ang Magnificat ay sagot ni Maria kay Elisabet? Di ba’t pinakapuri-puri siya nang husto at pinakataas-taas ni Elisabet nang sabihin niya sa pinsan niya, “Mapalad ka sa babaeng lahat, at mapalad din ang dala mo sa iyong sinapupunan!” (Lk 1:42)

Sa Magnificat ang sagot ni Mama Mary ay, “Hindi ako kundi ang Diyos ang tunay na Dakila. Siya ang nagtaas sa akin, ako na isang abang alipin.” Itinuro ni Hesus ang sikreto ng tunay na pagtaas o pag-angat: hindi K (kayabangan) kundi ibang K (kababaan ng loob). Ito ang ibinigay niyang halimbawa sa kanyang pagkakatawang-tao, sa kanyang pagdurusa at kamatayan. Nag-KENOSIS muna siya. Ibinuhos nang lubos ang sarili upang punuan ang pagkukulang ng tao.

Sa Misa, pagkatapos nating dasalin ang Ama Namin, ipinapahayag natin: “Sapagkat sa Iyo ang KAHARIAN, KAPANGYARIHAN AT KALUWALHATIAN magpasawalang-hanggan.” Ito ang nagpapataas sa atin; kapag kinikilala natin ang tunay na pinagmumulan ng tatlong K. Noon lang naibabahagi ang mga ito sa atin ng Anak. Noon lang tayo nagiging handang tumaas, tayo mismo, upang makaisa niya sa kadakilaan ng pagiging mga Anak ng Diyos, upang maluklok din tayo sa Kanang Kamay ng kanyang Ama.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,275 total views

 20,275 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 34,931 total views

 34,931 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,046 total views

 45,046 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 54,623 total views

 54,623 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 74,612 total views

 74,612 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,122 total views

 7,122 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,252 total views

 9,252 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,251 total views

 9,251 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,253 total views

 9,253 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,249 total views

 9,249 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,121 total views

 10,121 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,323 total views

 12,323 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,356 total views

 12,356 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,710 total views

 13,710 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,806 total views

 14,806 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,014 total views

 19,014 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,733 total views

 14,733 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,102 total views

 16,102 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,364 total views

 16,364 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,057 total views

 25,057 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top