194 total views
Lutasin ang mga suliranin na nagpapahirap sa mga Pilipino na hindi nagampanan ng Adminisyong Aquino.
Ito ang mensahe ni Archdiocese of Zamboanga Archbishop Romulo Dela Cruz sa bagong administrasyon Duterte na kailangan tutukan lalo na ang paglikha at pagpapatyupad ng batas para sa kapakanan ng nakararami.
Giit pa ni Archbishop dela Cruz, dapat maramdaman ng taumbayan na hindi lamang nila gustong sundin ang mga bagong alituntunin dahil sa takot sila kundi dahil yun ang nakabubuti sa lipunan.
“Ito ang mensahe ko sa ating magiging pangulo na sana nga ay hindi niyo kalilimutan na may Panginoon sa mundo at may Panginoon sa ating puso at huwag niyong kalimutan may mga batas tayo na kailangang sundin at ang mga tao natin ay sumusunod sa mga batas na gawa ng ating bayan. Kaya sana kung meron mang pagbabago hindi tungkol sa mga batas kundi tungkol na rin sa pamamaraan para mawala ang mga nagpapahirap sa mga Pilipino,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Dela Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.
Batay sa huling partial and unofficial results ng bilangan ng COMELEC o Commission on Elections as of 10:45 ng umaga mula 95.73 percent ng mahigit 50 rehistradong botante sa bansa nakakuha si Duterte ng mahigit 15 milyong boto mula sa mayorya.
Nauna na ring ipina-alala ng Simbahang Katolika na mananatili itong konsensya ng lipunan lalo na sa mga isyu ng paglabag sa karapatang pantao.