Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagmalikhain ng tao, nasa likod ng biyaya ng teknolohiya

SHARE THE TRUTH

 179 total views

Mga Kapanalig, narinig na ninyo marahil ang Project NOAH o ang Nationwide Operational Assessment of Hazards. Ito ay isang proyektong inilunsad noong 2012 ng Department of Science and Technology o DOST, katuwang ang UP National Institute of Geological Sciences. Layunin nitong magsagawa ng tinatawag na disaster science research and development, kasabay ng paglinang ng teknolohiyang magbibigay ng tamang impormasyon sa mga ahensya ng pamahalaan—gaya ng PAG-ASA at PHIVOLCS—at maging sa mga mamamayan upang mapaghandaan ang mga panganib at sakuna at upang maiwasan ang masamang epekto ng mga ito.

Naibalita noong nakaraang linggo na hanggang sa katapusan na lang ng buwan na ito ang Project NOAH at hindi na ito maipagpapatuloy dahil sa kawalan ng pondo. Agad namang nilinaw ng gobyerno na hindi masasayang ang mga naging bunga ng Project NOAH dahil pangangasiwaan na ang mga ito ng PAG-ASA.

Ang Project NOAH ang naging pangunahing pinaghahanguan ng siyentipikong impormasyon ng mga lokal na ahensya at iba’t ibang grupong tumutugon sa panahon ng kalamidad, lalo na sa mga nasa probinsya. Matatagpuan sa website ng Project NOAH ang maraming mahahalagang impormasyon gaya ng direksyon at lakas ng isang bagyo, mga lugar na lantad sa panganib ng pagguho ng lupa (o landslide) at daluyong (o storm surge), at mga bayan na maaaring malubog sa baha batay sa dami ng ulang babagsak. Gamit ang mga datos na ito, naaabisuhan ng mga ahensyang gaya ng PAG-ASA ang mga pamahalaang lokal upang makapagsagawa ang mga ito ng paglilikas ng mga pamilya patungo sa mga evacuation centers. Kaya naman marami ang nanghinayang nang malaman nilang ititigil na ang Project NOAH.

Ang makabagong teknolohiyang katulad ng Project NOAH ay dapat nating ituring na biyaya. Sa kanyang encyclical na Laudato Si’, kinilala ni Pope Francis ang papel ng teknolohiya upang tugunan at ibsan ang pinsala ng maraming masasamang pangyayari sa sangkatauhan at sa ating daigdig. At ganito nga ang naging ambag ng Project NOAH sa ilang taon nitong pagsasagawa ng mga pag-aaral, pagbubuo ng mga mapa, at pagsubaybay sa lagay ng panahon.

Ngunit huwag nating kalimutan ang mga tao sa likod ng teknolohiya. Bagama’t sinabi na ng DOST na maipagpapatuloy ang Project NOAH sa ilalim ng PAG-ASA, maaaring maapektuhan ng pagtatapos ng Project NOAH ang mga researchers at disaster scientists na nasa likod ng nasabing proyekto, silang mga eksperto sa larangan ng hydrology, geology, at meteorology. Marami na sa kanila ang umalis dahil hindi sila nakatatanggap ng sahod na akma sa kanilang pinagdalubhasaan at sapat para tustusan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Ayon nga sa direktor ng Project NOAH, kalahati na lang ng 80 kawani nito ang naiwan habang papalapit na ang pagtatapos ng proyekto. Ito ang malungkot na katotohanan sa ating bansa: sa laki ng pangangailangan natin sa paghahanda laban sa mga panganib at sakuna, napakakaunti ng mga mahuhusay na siyentipikong patuloy na maglilinang ng teknolohiya. Aanhin natin ang teknolohiya kung walang mga taong kaya itong gawing kapakipakinabang upang tiyakin ang kapakanan ng nakararami?
Ayon nga kay St John Paul II, “science and technology are wonderful products of a God-given human creativity.” Ang agham at teknolohiya ay mga kahanga-hangang bunga ng pagkamalikhain ng tao na nagmula naman sa Diyos na lumikha sa atin. Ang Project NOAH ay hindi lamang tumutukoy sa teknolohiya; ito ay nilinang ng mga mahuhusay at dedikadong mga ekspertong kailangan nating pahalagahan.

Bilang bansang madalas tamaan ng bagyo, matinding tagtuyot, at lindol, tungkulin ng pamahalaan tiyaking may sapat tayong teknolohiya upang mapaghandaan ang mga kalamidad. Tungkulin din nitong itaguyod ang kapakanan ng mga taong nag-aral upang paglingkuran ang kanilang kapwa sa pamamagitan ng paglilinang ng teknolohiyang pinakikinabangan ng lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 37,187 total views

 37,187 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 48,262 total views

 48,262 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 54,595 total views

 54,595 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 59,209 total views

 59,209 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 60,770 total views

 60,770 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 37,188 total views

 37,188 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 48,263 total views

 48,263 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 54,596 total views

 54,596 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 59,210 total views

 59,210 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 60,771 total views

 60,771 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,371 total views

 43,371 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,033 total views

 66,033 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,609 total views

 71,609 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,090 total views

 77,090 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,203 total views

 88,203 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,202 total views

 84,202 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,904 total views

 71,904 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,386 total views

 80,386 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,445 total views

 73,445 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,369 total views

 80,369 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top