304 total views
Panahon na para pagmalasakitan muli ng sambayanang Filiipno sa ating bayan.
Ito ayon kay Antipolo Bishop Gabriel Reyes ang dapat na gawin ng bawat Filiipno lalo na ng mga botnate para sa nalalapit na halalan sa bansa.
Pahayag pa ng Obispo, malakig hamon sa bawat botante na bumuto ng tama at responsable upang maipahayag ng bawat Filipino ang kanyang malasakit at pagmamahal sa bayan.
Giit pa ng Obispo, hindi magkakaroon ng radikal na pagbabago ang Pilipinas kung mananatiling iresponsable ang ating mga botante gaya ng pagbebenta ng boto.
Dagdag pa ni Bishop Reyes, panahon na upang bumuto ang bawat Filipino para sa isang may kakayahan, tapat at may pagmamahal sa bansa na mga kandidato at hindi pansariling interes ang iniisip at isinasaalang-alang.
“Ang challenge nito ay pagmalasakitan natin ang ating bayan sa pamamagitan ng pagboto ng kandidatong talagang sabi nga sa English competent, honest and talagang dedicated sa country.” Pahagay pa ng Obispo.
Nakita rin nito ang malaking malasakit na ito ng sambayanang Filipino may 30 taon na ang nakararaan noong panahon ng mapayapang Edsa People Power Revolution kung saan nakita ang pagkakaisa at nilimot ang sarili para sa bayan.
“Noong EDSA last 30 years nakikita mo yung lahat ay nagkakaisa at handa sila kahit na mamatay alam nila na puwedeng mangyari na magkagulo sa edsa at puwedeng mamatay hindi sila natakot , na noon ay nagtutulungan nag se share ng pagkain sa buong edsa walang namatay at nabago ang lipunan dahil sa sakripisyo at pagmamahal ng tao sa bayan,” ayon pa sa obispo.
Samantala, nakasalalay sa kamay ng may 54.4 na milyong Filipino na registered voters ang kinabukasan ng ating bayan na siyang inaasahang buboto sa ika-9 ng Mayo para sa national automated election sa bansa