Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagmimina at illegal logging, sanhi ng ‘abnormal’ na pagbaha sa Surigao del Sur

SHARE THE TRUTH

 1,011 total views

Nakasaad sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na humihimok sa mga mananampalataya na pangalagaan ang sangnilikha.

Dahil sa ating pag-abuso sa kapaligiran ay tao rin ang nagiging biktima ng mga pinsalang dulot ng kapabayaan.

Naniniwala din ang environmental group na ang pagkawala ng mga puno sa kagubatan dahil sa pagmimina sa Surigao del Sur na naging dahilan ng malawakang pagbaha sa lalawigan.

Ayon kay Jaybee Garganera, national Coordinator ng Alyansa Tigil Mina ang pagpuputol ng mga puno sa kagubatan ang dahilan ng iba’t ibang sakuna sa lalawigan lalu na ang pagguho ng mga lupa at ang malawakang pagbaha na nakaapekto sa mga residente.

“Dahil malaki na ‘yung nade-deforest d’yan sa protected area d’yan lalo na ‘yung CaraCan (Carsacal at Cantilan) Watershed, walang duda may relasyon yung erosion, yung landslides tsaka abnormal na pagbaha mula sa Carascal, Cantilan, Madrid, doon sa Lanuza Bay, mga rivers d’yan hanggang dito sa Tandag,” ang bahagi ng pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ni Garganera na ito na ang ikatlo sa magkakasunod na taon na binabaha ang Surigao del Sur sa unang bahagi ng taon.

“Pattern na ito mula nang 2018 na kapag first quarter ng taon, ‘yang Surigao del Sur, either low pressure area o abnormal na ulan ay binabaha; at taun-taon, palala nang palala yung baha,” dagdag ni Garganera.

Panawagan naman ng grupo sa mga kinauukulan na tigilan na ang pagpapahintulot sa pagtatayo ng mga minahan sa CARAGA Region dahil kung ito’y magpapatuloy, ay mauulit lamang ang iba’t ibang sakuna na maaari pang magdulot ng mas matinding panganib sa mga naninirahan.

“Sana ‘yung mga local governments ay huwag na nilang payagang madadagdagan pa yung mining at logging d’yan sa Surigao [del Sur]. On the other hand, itong DENR (Department of Environment and Natural Resources), nananawagan kami na huwag nang mag-approve ng mga mining permits at tree cutting permits sa kabuuan ng CARAGA [Region].

Sa ulat ng Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), umabot sa higit 28-libong pamilya o 109 na libong indibidwal ang nagsilikas dahil sa pagbaha habang umabot naman sa 60 milyong piso ang halaga ng nasira sa 1,200 ektarya ng mga palayan sa lalawigan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 64,431 total views

 64,431 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 72,206 total views

 72,206 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 80,386 total views

 80,386 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 96,112 total views

 96,112 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 100,055 total views

 100,055 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 1,494 total views

 1,494 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 2,708 total views

 2,708 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top