2,835 total views
Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagmimisyon sa simbahang katolika ay gawain ng bawat binyagang kristiyano.
Sa pagdiriwang ng World Day of Prayer for Vocations hamon ng santo papa sa mananampalataya na tumugon sa tawag ng pagmimisyon sa pamamagitan ng pagbubuklod ng pamayanan.
“Led by the Spirit, Christians are challenged to respond to existential peripheries and human tragedies, ever conscious that the mission is God’s work; it is not carried out by us alone, but always in ecclesial communion, together with our brothers and sisters, and under the guidance of the Church’s Shepherds,” pahayag ni Pope Francis.
Binigyang diin ng Santo Papa Francisco na bawat bokasyon ay may kaakibat na misyong gagampanan sa lipunang kinabibilangan.
Ipinaliwanag ni Pope Francis na bagamat magkakaiba ang bokasyon ng mananampalataya ay iisa ang hangaring magbuklod sa pagbuo ng munting simbahan sa bawat pamilya at sa mga sektor ng pamayanan.
“In the Church, we are all servants, according to different vocations, charisms and ministries; vocation is a gift and a task, a source of new life and true joy. May the initiatives of prayer and of activity associated with this Day strengthen an awareness of vocation within our families, our parish communities, our communities of consecrated life, and our ecclesial associations and movements,” giit ni Pope Francis.
Sa April 30 ipagdiwang ng simbahan ang ika – 60 anibersaryo ng World Day of Prayer for Vocations na pinasimulan ni Saint Paul VI noong 1964 na layong paigtingin ang pagmimisyon ng simbahan sa pamamagitan ng bokasyon.
Kaugnay nito umapela ng panalangin si Novaliches Bishop Roberto Gaa, ang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Vocations sa mamamayan para sa pagkakaroon ng mas maraming bokasyon lalo sa kabataang handang tumugon sa tawag ng paglilingkod sa simbahan.
Magsasagawa ng Holy Hour for Vocations ang Sta. Lucia Parish sa April 29 sa alas otso ng gabi na pangungunahan ni Fr. Marvin Riquez ang National Coordinator ng Diocesan Vocation Directors in the Philippnines para sa paggunita sa ikaanim na dekada ng World Day of Prayer for Vocations.
Read: https://www.veritasph.net/obispo-umaapela-ng-dasal-sa-paglago-ng-bokasyon/