323 total views
Ito ang naging saloobin ni Diocese of Bukidnon Bishop Jose Cabantan matapos tangayin ng mga miyembro ng New People’s Army ang 1,400 na sako ng bigas sa warehouse ng isang negosyante ng bigas sa Valencia City, Bukidnon.
Ipinaliwanag ni Bishop Cabantan na hindi makatarungan ang gawaing ito ng NPA sabihin mang mapagsamantala ang naturang negosyante.
Inihalintulad ng Obispo ang ginawang ito ng mga NPA kay Robinhood na nagnanakaw sa kapakanan ng mga nagugutom.
Nais ring ipaunawa ng Obispo sa mga NPA na hindi lamang sila ang nagugutom kundi marami pang tulad nila na hindi dinadaan sa dahas ang paghingi ng bigas.
“May mga reactions rin na nakarinig sa kanila. Off course ang questions nasaan na ngayon ang bigas and is it fare to do that? Maybe they act as robinhood perhaps to distribute that to poor farmers and hungry farmers like that. I do not know what they are doing as I have heard they are many complaints against the owner as I heard like the labor practice and other things. But in the other hand, to do that as I have said it is really fare for everybody not only them are also hungry right now affected by the dry spell,” pahayag ni Bishop Cabantan sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, pamumunuan naman ng Social Action Center ng Diocese of Bukidnon ang pamamahagi ng calamity assistance mula sa pamahalaan tulad ng bigas sa mga magsasakang nasasakupan ng bawat parokya.
“Sa ngayon ang napag – usapan sa DSWD Secretary ay ang mutual places lang, mutual ground because of the COMELEC banned dun sa mga parishes, mga simbahan dun ang distribution ng rice at matulong naman ang mga personnel namin parokya sa pagbigay at pag – identify ng mga mahirap talaga,” giit pa ni Bishop Cabantan.
Sa datos ng Department of Agriculture umabot na P6.7 bilyong piso na produktong agrikultura ang nalugi habang nasa mahigit 180 libong magsasaka na ang apektado ng El Niño sa buong bansa.