2,270 total views
Iginiit ng eksperto na nanatiling mahalaga ang pagpapabakuna bilang pananggalang sa banta ng novel coronavirus.
Ayon kay Dr. Rey Salinel Jr. ng Philippine Academy of Family Physician, malaki ang naging bahagi ng bakuna para iligtas ang buhay ng publiko mula sa nakamamatay na sakit.
Sa panayam ng Radio Veritas kay Salinel, binigyan diin ng dalubhasa na kailangan ang pagpapabakuna lalo na sa mga pangunahing lantad sa panganib tulad ng mga health care worker, matatanda at mga may karamdaman.
Ang pahayag ni Salinel ay kaugnay na rin sa bivalent vaccine bilang karagdagang proteksyon laban sa virus at pagkakaroon ng iba’t uri ng mutation.
Ipinaliwanag ni Salinel na ang bivalent vaccine ay may dalawang component-laban sa original virus at mga subvariants bilang karagdagang proteksyon sa mga pangunahing lantad sa Covid-19.
“Malaki po talaga ang tulong na mabibigay ng Bivalent Vaccine para po malabanan itong mga mutation na ito, para po magkaroon tayo ng proteksyon at dagdagan pa ang mga nakuha nating proteksyon sa mga naunang mga Monovalent Vaccine.” ayon pa kay ni Dr. Salinel.
Ito ay maaring ibakuna, anim na buwan matapos na magpabakuna ng booster.
Dahil sa kakaunti lamang ang bakuna, ipinag-utos ng pamahalaan na ang maaring makatanggap ng bivalent vaccine ang medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidities.
with News Intern: Raven Macapagal