Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapabakuna, pinakamabisang proteksyon laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

 230 total views

Makapaghatid ng karagdagang kaalaman sa bakuna bilang proteksyon sa banta ng COVID-19 virus ang layunin ng e-talk na inorganisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care katuwang ang Department of Health, iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, Unilab at ang programa nitong Alaga sa Kalusugan ng Pamayanan (AKAP).

May titulo ang nasabing e-talk na “Tanong ng Bayan: Sa panahon ngayon, paano magiging protektodo ang pamilya ko?” kung saan tinalakay ang proteksyon na naidudulot ng iba’t ibang COVID-19 vaccine para sa bawat isa.

Kabilang sa mga nagbahagi ng kanilang mga kaalaman ay ang ilang mga piling eksperto mula sa larangan ng medisina partikular na sa usapin ng Infectious Diseases.

‘WE SHOULD HELP ONE ANOTHER’

Ayon kay Dr. Joseph Adrian Buensalido, Infectious Diseases Specialist mula sa Makati Medical Center at siya ring Infection Prevention and Control Chairman sa Asian Hospital & Medical Center, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang sama-samang malagpasan ang krisis pangkalusugan na dulot ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ni Dr. Buensalido na bukod sa pagsusulong ng pagpapabakuna ay mahalaga ring magkaisa ang bawat isa sa paglaban sa fake news o infodemic na nagdudulot ng maling pananaw sa mga mamamayan kaugnay sa COVID-19 vaccine.

Iginiit ni Dr. Buensalido, mahalagang maunawaan at masuri ng bawat isa ang tunay na proteksyong naidudulot ng bakuna laban sa virus.

“We should help one another, we shuold be a champion against fake news, yung infodemic, we should be a champion against SARS-COV2 this zombie virus and we should be a champion for vaccination not blindly dapat nag-aaral tayo binabasa natin dahil kapag nagbasa tayo makikita natin na talagang may ebidensya naman na gumagana at safe itong mga bakunang ito.” Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Joseph Adrian Buensalido.

‘BAKUNA, NAGPAPABABA NG RISK MULA SA VIRUS’

Nilinaw naman ni Dr. Anna Ong-Lim, Immediate Past President ng Prediatric Infectios Disease Society of the Philippines at Member ng DOH Technical Advisory Group na bagamat magkakaiba ang epekto ng bakuna sa bawat isa ay mas mahalaga pa rin ang proteksyong naidudulot nito upang mapababa ang panganib na dulot ng COVID-19 virus sa isang taon.

Ipinaliwanag ni Dr. Ong-Lim, ang COVID-19 vaccine ay higit na nakapagpapababa ng panganib mula sa matinding epekto ng pagkawaha sa virus kabilang na ang pagkamatay.

“Iba iba ang karanasan ng tumanggap ng bakuna, mayroong iba na very effective yung bakuna para sa kanila, yung iba despite na nakabuo na sila ng dalawang dosage ay nadisgrasya pa rin. Kasi tatandaan natin na ang bakuna hindi naman yan, wala naman siyang sinasabing 100%, hindi siya magic bullet, hindi siya silver bullet, so ang inaasahan nating kayang ibigay ng bakuna ay pagbaba ng risk ng pagkakahawa ng matinding sakit or risk ng death but the risks is still there.” Ayon kay Dr. Anna Ong-Lim.

‘ANG TOTOONG FRONTLINERS AGAINST THE VIRUS IS YUNG TAO MISMO’

Samantala, inihayag naman ni Dr. Karl Henson, Board Member ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases at siya ring Director ng Hospital Infection Control & Epidemiology Center sa The Medical City na bagamat mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga medical workers sa paglaban at pagtiyak ng kaligtasan ng bawat mamamayan mula sa epekto ng COVID-19 virus ay ang mismong mga tao naman ang tunay na frontliners laban sa naturang nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Ayon kay Dr. Henson, sa pamamagitan ng pagtiyak ng bawat isa na masunod ang mga ipinatutupad na minimum public health standards sa loob at labas ng tahanan ay maiiwasan ang pagkalat ng virus at pagkakasakit ng bawat isa dahilan upang hindi na kailanganin pa ang magpaospital at serbisyo ng mga medical frontliners.

Sinabi ni Dr. Henson na ang mga simpleng mamamayan na patuloy na humaharap sa banta ng COVID-19 virus upang maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya ang tunay na frontliners na dapat na nangunguna sa pagtiyak ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo ng eksperto kabilang na ang pagpapabakuna.

“I also like the idea of yung you call us frontliners pero in fact last line of defense ang ospital, ang totoong frontliners against the virus really is yung tao mismo practicing the minimum public health standards, making sure that there is good ventilation at home kasi if you don’t get sick, you don’t need to go to the hospital and you don’t need to be seen by us sa mga ospital. So yes we are frontliners but in the final analysis we’re really the last line of defense against the virus, ang frontliner talaga is yung tatay, nanay na nagtatrabaho, yung those who really go and do their regular stuff tapos they are at risk dun sa virus so we really need kailangan tayong lahat magtulong tulong para maiwasan na mainfect ng sarili at ng iba’t ibang tao.” Paliwanag ni Dr. Karl Henson.

Matatandaang ayon sa CBCP bahagi ng tungkulin at pananagutan ng bawat isa ang pagpapabakuna na hindi lamang para sa pansariling kapakanan kundi maging para sa kaligtasan ng kapwa sa pamayanan.

Una ng inihayag ng DOH ang planong pagbabakuna sa 70-milyong mga Pilipino upang makamit ang herd immunity mula sa COVID-19 virus sa bansa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,109 total views

 31,109 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 45,765 total views

 45,765 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,880 total views

 55,880 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 65,457 total views

 65,457 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 85,446 total views

 85,446 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

 13,960 total views

 13,960 total views Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga. Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Donation drive, inilunsad ng Bicol university

 14,032 total views

 14,032 total views Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 14,526 total views

 14,526 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

 14,384 total views

 14,384 total views Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan,

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 18,084 total views

 18,084 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 21,861 total views

 21,861 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

 18,060 total views

 18,060 total views Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa. Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

 18,316 total views

 18,316 total views Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto. Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 19,382 total views

 19,382 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

 18,909 total views

 18,909 total views Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon. Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 19,513 total views

 19,513 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 20,733 total views

 20,733 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 20,841 total views

 20,841 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 24,922 total views

 24,922 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 22,670 total views

 22,670 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top