393 total views
Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na maging bahagi ng pang-araw araw na pamumuhay ng bawat Katolikong Kristyano ang pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay.
Ayon kay Rouquel Ponce – Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, ang buhay ng bawat nilalang ay biyaya ng Panginoon sa sanlibutan na kinakailangang pahalagayan at pangalagaan.
Iginiit ni Ponce na kalakip nito ang pagtatanggol sa bawat buhay sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa gitna ng iba’t ibang salik na nagdudulot ng panganib.
“Life is a gift from the Lord and we want to as a gift we want to value it, we want to preserve it and defend it if it is threatened kaya sana hindi lang ito statement ngayon sana maging pang-araw na araw na pamumuhay ng bawat Kristyanong Katoliko lalo na ng mga layko…”pahayag ni Ponce sa panayam sa Radyo Veritas.
Pagbabahagi ni Ponce hindi lamang sa mga pagtitipon tulad ng Walk for Life dapat maipapamalas ng bawat isa ang pagbibigay halaga sa buhay.
Paliwanag ni Ponce, dapat na ituring na hamon ng bawat isa partikular na ng mga kabataan ang paggamit sa Social Media sa pagsusulong ng kabutihan sa halip na fake news.
“Napaka-powerful ng Social Media so sana gamitin natin ito sa magandang pamamaraan diba, nangyayari yung mga fake news yung mga negative news sana mas palaganapin natin yung positive news at yung mag-a-up build at mag-a-uphold kaya sana yun ang ating challenge sa ating mga kabataan lalo kasi kayo ang very much in that kind of world and sana mas marami pa tayong mai-enlist na kabataan…” Dagdag pa ni Ponce.
Sa kabila ng mga babala sa malakihang pagtitipon dahil sa Coronavirus Disease 2019 ay ipinagpatuloy pa rin ang pagsasagawa ng taunang Simultaneous Nationwide Walk for Life noong ika-15 ng Pebrero kung saan kabilang sa gawain ang pananalangin ng Oratio Imperata upang agad na makahanap ng lunas para sa COVID-19.
Ang Walk for Life ay unang isinagawa noong 2017 sa pangunguna ng Sangguniang Layko ng Pilipinas.