24,650 total views
Umaapela ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad sa Labor Education Act o Republic Act No.11551.
Nanindigan ang EILER na mapapalawak ng batas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa karapatan ng mga manggagawa.
Iginiit ng EILER na dapat tiyakin ng pamahalaan na sa bawat pamantasan at kolehiyo ay mayroong labor education subjects na magtuturo ng karapatan ng mga manggagawa sa mga mag-aaral.
Kasama rin dito ang pagpapairal ng batas sa mga institusyon na kabilang sa Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority.
“Under RA 11551, labor education shall be integrated as an elective course in both public and private higher education institutions and as modules in cases of technical-vocational institutions. The statute mandates the Commission on Higher Education (CHED) and TESDA to formulate its implementing rules and regulations (IRR), protection of labor rights begins with knowing those rights. Hence, it is better if labor education begins as early as possible. In doing such, students who later integrate with the workforce are not easy prey of attacks, often deceitful and high-handed, against their rights as employees,” ayon sa mensahe ng EILER.
Taong 2021 nang maging batas ang Republic Act No.11551 na inaatas sa mga higher education institutions na isama sa mga learning curriculums ang pagtuturo ng labor education.
Inihayag ng EILER na mahalagang maibahagi sa mga mag-aaral ang mga karapatan na dapat matamasa ng mga empleyado sa lugar ng paggawa at kaalaman na magtuturo sa mga kabataan ng mga kaugalian upang maging maayos ang relasyon sa kapwa tuwing nasa trabaho.
Binibigyan diin sa ensiklikal ni Saint John Paull II na ‘Laborem Exercens’ ang kahalagahan sa pangangalaga ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa lipunan.