475 total views
Sinuportahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pagpapalawig sa Pebrero ng Department of Education (DepEd) sa limited face to face classes para sa mga lugar kung saan umiiral ang Alert Levels 1 at 2.
Ayon kay Jose Allan Arellano – Executive Director ng CEAP, napapanahon na ang panunumbalik ng klase matapos ang mahigit dalawang taon nitong pagkaantala higit na sa mga lugar kung saan mababa ang kaso ng COVID-19.
“So there you know if there’s no reason why there would be more in excemptions then the students should already go back to school especially the areas that really have been declared as level 1 or level 2,” ayon sa panayam ni Arellano sa Radio Veritas.
Inaalala ng CEAP ang standing ng Pilipinas sa dulo ng mga bansang nangunguna sa larangan ng Siyensa at Agham sa sektor ng Edukasyon.
Ayon kay Arellano, sa panunumbalik din ng mga klase ay kanilang inaasahan ang pananatili ng Hybrid Learning System.
Dito ay magkakaroon parin ng Modulars at Online classes kasabay ng mga face to face classes ng sa mga paaralan habang nanatili ang banta ng COVID-19.
“it’s not going to be a regular face to face anymore na parang magiging sa malawakan yan the next 2 or 3 years magiging hybrid system yan, may ibang mapapasok, mayroong iba modules etc mayroong online presently many of our school are using online and modular,” pagbabahagi pa ni Arellano.
Sa naunang pagdaraos ng face to face classes sa higit dalawang-daang paaralan noong November 15 hanggang December 22 2021, ay itinuring itong matagumpay na Hakbang ng Deped.
Aprubado narin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng hakbang sa mga lugar kung saan umiiral at Alert Levels 1 at 2.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlos Nograles, magiging magkatuwang ang DepEd at Department of Health sa mga assesments kasama ang mga Lokal na pamahalaan bago idaos ang mga klase.