2,276 total views
Umaasa si Balanga Bishop Ruperto Santos na mas mapaigting ang pagtutulungan ng ASEAN nations sa ginagawang 42nd Summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Dalangin ng vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines migrants’ ministry ang pagkakasundo ng mga bansa para sa mapayapa at maunlad na lipunang kapaki-pakinabang sa mamamayan.
“Mutual cooperation and collaboration among ASEAN nations will always the best, beneficial and blessings to all. Peace is attained by unity. Progress is achieved with working in harmony. We pray that this ASEAN summit will be successful and fruitful,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Kasalukuyang nasa Indonesia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang dumalo sa ASEAN summit na gaganapin mula May 10 hanggang 11 kung saan sa pre-departure spech igniit nitong isusulong ang proteksyon sa interes ng Pilipinas.
Kasama ng pangulo sina House Speaker Martin Romualdez, Senior Deputy House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang miyembro ng gabinete.
Umaasa si Bishop Santos na kabilang sa tatalakayin ng punong ehekutibo kay Indonesian President Joko Widodo ang kalagayan ni Mary Jane Veloso na kasalukuyang nakapiit pa rin sa Indonesia dahil sa kaso ng ilegal na droga.
“We pray and hope that our dear President BBM will again intercede for welfare of Mary Jane that she could have presidential pardon or her sentence would be done here in our country,” ani Bishop Santos.
Samantala, inaasahang tatalakayin sa ASEAN Summit ang full membership ng Timor Leste habang dadalo naman si Pangulong Marcos Jr. sa 15th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asian Growth Area (BIMP-EAGA) sa May 11 na isang pagkakataong maitampok ang kahalagahan ng pagpapaigting sa pagtutulungan ng mga rehiyon para sa mas matatag na ekonomiya.